INANUNSIYO ng Big Bang member na si Seungri na magreretiro na siya mula sa entertainment industry sa gitna ng imbestigasyong kinakaharap niya hinggil sa umano’y pagsu-“supply” niya ng mga babae sa mga potential investor.

Seungri

Dahil dito ay labis na pangutngutya at kritisismo ang natanggap niya mula sa publiko.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, sinabi ni Seungri: “I think it would be good for me to retire from the entertainment industry at this point.”

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

“I have decided to retire from the entertainment industry as the issues that caused social controversy are so great,” kasabay ng pagsasabing lilinawin niya ang lahat ng alegasyon na ibinabato sa kanya.

Si Seungri ay suspek sa kasalukuyang imbestigasyon na nagsu-“supply” umano siya ng babae sa mga negosyante para sa isang investment company.

Nagsimula ang isyu nang isang lalaki ang nagreklamo noong January na siya umano ay hinarang sa labas ng Burning Sun club Sa Gangnam, Seoul, kung saan si Seungri ay isang board member. Noong Feb. 27, pinatawag ng pulisya si Seungri at sumailalim sa imbestigasyon sa loob ng 8.5 hours.

Mula noon ay nagsimula nang imbestigahan ng pulisya ang iba pang isyu na kinasasangkutan ng club kabilang ang drugs.

Giit ni Seungri noong nakaraang buwan, siya ang naging sentro ng kritisismo at galit ng publiko dahil sa ginawang imbestigasyon ng iba’t ibang ahensya laban sa kanya. Dagdag pa niya, nasa kasalukuyan siyang sitwasyon kung saan “he cannot allow everyone around him to be hurt”.

“I am very grateful to all the fans in Korea and abroad for their love in the last 10 years,” sabi pa ng singer.

Si Seungri ay nakatakdang pumasok bilang isang active duty soldier sa Korean military sa March 25.

-JONATHAN HICAP