Nasa 20 Daesh-inspired terrorists, kabilang ang ilang high-value targets, ang napatay sa surgical airstrikes at artillery missions ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Daulah Islamiyah sa Maguindanao, kinumpirma ngayong Martes.

PATAY_ONLINE

Inabot ng hatinggabi nitong Lunes ang operasyon sa bahagi ng Inaladan, Shariff Saydona, Raja Buayan, Mamasapano Complex, sa Maguindanao, ayon kay Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Army.

Sa mga hindi pa beripikadong ulat, kabilang sa mga napatay ang mga commander at subcommanders ng BIFF at Daulah Islamiyah na sina Salahudin Hassan, Singaporean Mauwiyah na natitirang bahagi ng Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan, at Commander Bastardo.

National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

Malaking bilang din sa hanay ng mga terorista ang nasugatan habang isa ang nasawi at pito ang sugatan sa hanay ng militar.

Patuloy ang beripikasyon sa kabuuang bilang ng nasawi sa mga terorista.

Samantala, inaalam pa kung kabilang sa mga napatay sa operasyon si Abu Toraype, na namumuno sa isa pang grupo ng BIFF.

-Francis T. Wakefield