SA ipinatawag na tsikahan ni Atty. Ferdinand Topacio ay namahagi ng press release ang publicist niyang si Anne Venancio tungkol sa kasong estafa na isinampa laban sa negosyanteng si Kathelyn Dupaya. Nagsampa kamakailan sa Parañaque Prosecutors’ Office ng syndicated estafa sina Ynez Veneracion at Susan Ortega laban sa Brunei-based na si Ms. Kathelyn at sa asawa nitong si Mariano Dupaya, sa isang Sunnix Lahoylahoy, Mastika Nooryati, Binti Haji Lakim, Rhea Viernes, Rhayann Pasiola, Marjori Bandi at isang alyas “Flor” at “Alex”.

Ayon kina Ynez at Susan, naengganyo sila ni Ms. Kathelyn na mag-invest sa pangako nitong bibigyan sila ng mataas na interest, aabot sa 5-6% weekly/monthly, sa pag-aari nitong MK Group of Companies.

Sa una ay nakatupad si Ms. Kathelyn sa napag-usapang monthly profits kina Susan at Ynez, pero kalaunan ay bigo na umano itong ibigay ang interest, gayundin ang kabuuan ng investment capital ni Susan.

Matatandaang kinasuhan din si Kathelyn ng estafa ni Joel Cruz dahil umano sa pang-i-scam ng una sa tinaguriang The Lord Of Scents ng milyun-milyong pisong halaga, sa pamamagitan din ng investments sa MK Group of Companies.

Pelikula

Panawagan ni Aicelle Santos, unahin ang 'Isang Himala' sa MMFF

Incidentally, hindi nakarating si Joel Cruz sa ipinaimbita ni Atty. Ferdie na tsikahan with some showbiz press, dahil may taping daw ito sa Mars show nina Camille Prats at Suzi Entrata sa GMA News TV.

Niwey, bukas po ang pahinang ito para sa panig ni Ms. Kathelyn at kanyang mga kasamahan. Dalangin namin na magkaayos-ayos na silang lahat para swak ang saying na “make love not war”. ‘Yun na.

-MERCY LEJARDE