WALONG buwan na lamang ang nalalabi para sa preparasyon sa hosting para sa 30th Southeast Asian Games, ngunit wala pang posibleng venue ang sports na skateboarding para sa biennial meet.

Dahil dito, mismong si Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) president Monty Mendigoria ang siyang hihingi ng tulong sa ilang pribadong sektor para masimulan ang pagpapagawa ng opisyal na venue para sa nasabing sports discipline.

“I have a meeting with Phoenix Petroleum on March 18. Hopefully they will help us build the SEA Games Skatepark,” pahayag ni Mendigoria sa panayam ng Balita.

Nauna rito, binanggit na isasagawa ang naturang skatepark sa Tagaytay City, ngunit dahil sa kakulangan pondo walang pang kongretong lugar para s apagtatayuan.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Ipinaliwanag naman ni PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano na hindi nakapagbigay ng pondo ang Department of Budget (DBM) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para dapat sana ay masimulan na ang naturang skatepark sa Tagaytay.

“Hindi nabigyan ng DBM ang DPWH ng budget for the 2018, pero may nakalaan naman na budget para ngayong 2019, but we still have to wait for the procurment process before the end of March,” ayon kay Cayetano.

Gayunman, hindi naman maiwasan na mag-alala ni Mendigoria gayung plano sana nilang magamit ang itatayong Skatepark para sa training bago ang biennial meet.

“Hanggang kailan kami maghihintay? We have to look for a possible sponsor,” pahayag ni Mendigoria.

-Annie Abad