KASABAY ng paghahanda sa nalalapit na hosting ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games, tutok na rin ang atensyon para sa hosting ng Para Southeast Asian Games sa Enero 2020.

Nakatakda ang SEAG sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, naglaan ang ahensiya ng P100 milyon bilang pondo sa biennial meet para sa mga differently abled athletes.

Siniguro naman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman Alan Peter Cayetano na may nakalaang budget para sa Para SEA Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“PSC pledged 100m pesos. Dalawa ang part ng budget, yung para sa opening, closing and actual games. So lahat ng preparations kasama na doon ang Para Games,” pahayag ng dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary.

Ayon pa kay Cayetano, na sobra pa ang budget na inilaan ng PSC na 100M para sa preparasyon ng Para SEA Games, bagama’t handa naman umano ang PHISGOC na maaglaan ng pondo bilang karagdagan sa naunang budget.

“100m estimated is more than enough for the hosting. Pero tulung tulong kami, expect to use some of the P5 budget this year for the preparation for Para Games. We’re deeply committed, napakahistoric ng event na ito. Very symbolic ang January tapos 2020,” aniya.

Siniguro pa rin ni Cayetano na magagawa ng bansa ang isang nakapgandang hosting ng 30th SEA Games at Para SEA Games bunsod na rin pakikiisa ng pribadong sektor.

“We’re expecting different levels of sponsoships.Sponsors are very important,” ayon kay Cayetano.

Samantala, inaasahan na maipapalabas na ang pondo na P5B para sa hosting ng biennial meet sa Abril.

-Annie Abad