MEDIACON pa lang ay masaya na, kaya tiyak na masaya rin ang mga manonood sa pelikulang Papa Pogi, na pinagbibidahan ng rakista at TV host na si Teddy Corpuz.

Sa GMA-7 pala unang napanood si Teddy, noong time pa ng Idol Ko Si Kap ni Bong Revilla, at Sugo telefantasya ni Richard Gutierrez. Pero ngayon, isa si Teddy sa hosts ng It’s Showtime ng ABS-CBN.

Hindi ba nanibago si Teddy sa paggawa ng pelikula, at bida pa siya? “Hindi ko natanggihan ang offer ng director nitong si Alex Calleja, dahil kami lagi ang magkasamang gumagawa ng mga jokes na ginagamit namin sa It’s Showtime,” sagot ni Teddy.

“Saka naintriga rin ako na ako ang bida at ang title pa Papa Pogi, ng Regal Entertainment, Inc. Nagustuhan ko ang script, na hindi siya (karakter ng bida) pogi, pero pinag-aagawan siya ng mga babae bilang si Romeo.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dalawa nga ang leading ladies ni Teddy sa movie, sina Myrtle Sarrosa at Donna Cariaga. At hindi lang sa dalawa siya mai-involve, may iba pang babae na magkakagusto sa kanya.

N a g k a b i r u a n t u l o y s a mediacon, dahil based na rin sa full trailer ng movie, may kissing scene siya sa dalawa niyang katambal.

“Meron po, pero sabi ko kay Direk, magpapaalam muna ako sa asawa ko,” kuwento ni Teddy.

“Ganoon po dapat, magpaalam ka muna para maihanda mo ang sarili ng wife mo na kapag napanood ang movie, ay alam niyang may ganoong eksena. Ayaw ko po nung aawayin ako ng asawa ko dahil hindi ko sinabing may ganoon pala akong ginawang eksena. Mas mabuti na iyong magsabi ako nang totoo para hindi siya mabigla at mag-enjoy siya sa panonood.”

Bago rin tinanggap ni Teddy ang movie, sinabi na niya kay Direk Alex na siya ang gagawa ng theme song ng movie at pumayag naman ito.

Nasa Papa Pogi rin sina Lassy, Nonong Ballinan, Dawn Chang, at ang Hashtag members na sina Nikko Natividad, Zeus Collins and Luke Conde. Si Joey Marquez naman ang gaganap na ama ni Papa Pogi.

Mapapanood na ito in cinemas nationwide, simula sa March 20.

-Nora V. Calderon