ISA na namang Hashtag member ng It’s Showtime, si Kid Yambao, ang pumapalaot sa pag-arte kasunod ng tagumpay ng kapuwa niya Hashtag member na sina McCoy de Leon, Jameson Blake, Zeus Collins at iba pa sa mundo ng pag-arte.

Kid, Yen, at Lassy

Bibida na rin kasi sa indie film na Two Love You ang si Kid. Siya ang leading man nina Yen Santos at ng komedyanteng si Lassy Marque na very much identified bilang isa sa mga sidekick ni Vice Ganda.

Ayon kay Kid, malaking bagay na naging bahagi siya ng grupong Hashtag na napapanood sa It’s Showtime, dahil unti-unti nang nagbabago ang buhay niya financially.

Lola Amour member, doktor na!

“Maraming nabago. Nakakatulong na ako ngayon sa pamilya ko, sa mga gastos. Napapag-aral ko na rin ‘yung mga kapatid ko, at may kaunti na rin akong savings. Nakakatuwa rin sa sarili, at ‘yun naman talaga ang gusto ko,” panimulang pahayag ni Kid.

Ibinahagi rin ng aktor ang isang matinding dahilan ng kanyang pagsisikap sa showbiz. “Ang pinaka-main goal ko talaga, ang mapauwi ko ‘yung lola ko from the States. Kasi nandoon pa siya, eh, nagwo-work,” lahad niya.

Nagsimula nang mag-shooting sina Kid, Yen, at Lassy ng Two Love You na produced ng OgieD Productions, Inc. in cooperation with Lion Wolf Productions. The film is under the direction of Benedict Mique.

Ang tsika, magkakaroon daw siya ng kissing scene with Lassy? What if matuloy nga ang kissing scene nito with Lassy sa movie, handa ba siya?

“Hindi pa namin ‘yun napapag-usapan ni Direk, pero kung sakaling meron, okay lang, para lang ‘yun sa trabaho,” reaksyon ng binata.

Kahit torrid kissing scene okay lang ba sa kanya?

“Bahala na kung ano ‘yung maging desisyon ni Direk. Saka siyempre, may hinahabol kaming image,” tugon niya.

Nagbigay naman ng reaksyon si Kid sa iniisip ng iba na nakikipagrelasyon siya sa bading in real life, tulad ng role niya sa pagbibidahang pelikula. “Okay lang naman kung ‘yun ang isipin ng mga tao, wala akong magagawa. Kung ano ‘yung napanood nila, ‘yun ang iisipin nila na ginagawa ko. Pero hangggang sa pelikula lang naman ‘yun.”

Hindi rin daw niya na-experience na magkaroon ng dyowang bading. “Hindi, eh. Straight ako, eh. Parang malabo,” giit pa niya.

“Wala naman akong against sa mga pumapatol sa bading, pero ako, hindi ko kaya, eh,” dagdag pa niya.

Eh, kumusta naman ang kanyang love life?

“Wala akong girlfriend ngayon. ‘Yung huling girlfriend ko, two years ago. Hindi ko muna iniisip magka-girlfriend kasi marami akong ginagawa,” sagot niya.

Pero aminado ang binata na hindi naman zero ang kanyang sex life.

“Oo naman, may sex life ako. Anong ginagawa ng mga kamay ko?” natatawa niyang pahayag.

-ADOR V. SALUTA