AT 18 years old, challenge kay Kate Valdez ang pagganap niyang young kontrabida sa top-rating primetime series na Onanay, ng GMA-7. Ginagampanan niya ang role ni Natalie/Rosemarie, na real daughter ni Onay (Jo Berry) pero inangkin at pinalaki ng lola niyang matapobre at mapagmataas na si Helena (Cherie Gil), at nakuha niya ang ugali nito na walang paggalang sa nakatatanda sa kanya.

Kate copy

Pero ngayon, mabait na si Natalie, at natanggap na niyang ang little people na si Onay ang tunay niyang ina.

Hindi ba nahirapan si Kate na nagbago ng ugali, kilos at pananalita ang karakter niya sa Onanay?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Nahirapan po akong mag-switch sa bagong character ko,” sabi ni Kate.

“Nahirapan po akong mag-adjust lalo na kapag sinasabi ni Direk Gina (Alajar) na bumababa ang energy ko. Kaya kailangan kong pag-aralang mabuti ang character ni Rosemarie na kabaligtaran ni Natalie.

“Ngayon po, nasasanay na ako sa mabait na role at ang tinatarayan ko na lamang si Lola Helena dahil hindi ko matanggap ang kasamaang ginawa niya sa aking pamilya, lalo na sa nanay ko.”

If ever ba, tatanggap siya muli ng kontrabida role?

“Sana po ay huwag muna sa susunod kong project, ayaw ko rin pong makulong sa ganoong role. Noon pong kami pa ni Ms. Cherie ang magkasama, tinuturuan niya akong maging seryoso lagi. Marami po akong natutuhan sa kanya at isang karangalan na nakasama ko siya, dream come true po sa akin iyon nang malaman kong kontrabida ang role ni Natalie na gagampanan ko.”

Minahal ni Kate si Direk Gina dahil nakita niya how she cares sa lahat ng mga artista niya na parang mga anak niya. Kung natatakot daw ang artista sa isang eksena, tutulungan ito ni Direk Gina para maging comfortable sa pagganap.

Masaya rin si Kate na simula nang mag-artista siya, ang tawag ng mga tao sa kanya ay hindi ang real name niyang Kate. Noong nasa Encantadia siya, ang tawag sa kanya ng mga tao ay “Mira”, pero ngayon ay “Natalie” na kung tawagin siya ng mga tao, at may tumatawag na rin sa kanya ng “Rosemarie”. Happy ending ang gusto ni Kate para sa Onanay. Kinikilig daw kasi siya sa Nanay Onay niya at Tito Lucas (Wendell Ramos), bago raw love team. Kaya gusto niyang magkatuluyan sila, at sana raw ay patawarin na ni Nanay Onay si Tito Lucas, dahil nakita niyang nagmamahalan naman talaga ang dalawa.

Sa Friday na, March 15, ang grand finale ng Onanay, pagkatapos ng Kara Mia.

-NORA V. CALDERON