MULING binuhay ng Captain Marvel ni Brie Larson ang humihinang 2019 box office sa kinita nitong $153 million sa opening weekend ng pelikula sa sa 4,310 sinehan sa North America.

BRIE

Tumabo naman ang Captain Marvel ng $302 million internationally, kaya mayroon itong kabuuang kitang $455 million sa opening weekend ng pelikula sa buong mundo.

Dahil ito, ang Captain Marvel na ang 18th biggest domestic opening weekend sa kasaysayan. Ang Rogue One: A Star Wars Story ng Disney ang nasa 17th-highest launch frame na may kitang $155.1 million noong 2016. Ito naman ang pinakamalaking opening title mula nang ilunsad ang Incredibles 2 na kumita ng $182 million noong June at ang sana ay pinakamagandang panimula para sa isang standalone superhero film mula nang ipalabas ang Black Panther Marvel ($202 million), noong 2018.

Noel Ferrer, itinangging cooking show ang 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Ginagampanan ni Brie ang karakter ni Carol Danvers, ang piloto na naging ang napakamakapangyarihang si Captain Marvel, nang maipit ang Earth sa gitna ng giyera sa galaxy noong 1995.

Kasama rin sa pelikula sina Samuel L. Jackson, Ben Mendelsohn, Djimon Hounsou, Lee Pace, Lashana Lynch, Gemma Chan, Annette Bening, Clark Gregg, at Jude Law. Ito ay isinulat at idinirihe ni Anna Boden at Ryan Fleck.

Ang total domestic box office para sa 2019, na bumagsak ng 27 percent bago ipinalabas ang Captain Marvel, ay umalagwa sa 21 porsiyento sa kitang $1.79 billion, ayon sa Paul Dergarabedian, senior media analyst ng Comscore.

“Thankfully Captain Marvel’s superpowers extend to the box office realm and as expected provided a much-needed box office boost that the 2019 box office has been waiting for with a positively out of this world debut,” sabi ni Paul. “The allure and power of the superhero genre is as powerful as ever and just what blockbuster starved audiences have been waiting for in the form of a perfectly cast Brie Larson in this most powerful role.”

-Reuters