ADDIS ABABA, Ethiopia (AP) — Nagluluksa ngayon ang nasa 35 bansa sa pagkamatay ng 157 kataong lulan ng bumagsak na Ethiopian Airlines Boeing, ilang minuto matapos mag-takeoff mula sa kabisera ng bansa nitong Linggo.

Agad na nagdeklara ang Ethiopia ng national day of mourning ngayong Lunes sa gitna ng pagbuhos ng pagdadalamhati ng mga pamilya ng nasawi, na karamihan ay sumugod sa Nairobi's Jomo Kenyatta International Airport (JKIA).

TRAHEDYA Isinasakay ng mga rescuers ang labi ng mga pasahero na sakay ng bumagsak na Ethiopian Airlines nitong Linggo, Marso 10 sa Hejere, 50 kilometro ang layo mula sa paliparan ng Addis Ababa, Ethiopia. AP PHOTO

TRAHEDYA Isinasakay ng mga rescuers ang labi ng mga pasahero na sakay ng bumagsak na Ethiopian Airlines nitong Linggo, Marso 10 sa Hejere, 50 kilometro ang layo mula sa paliparan ng Addis Ababa, Ethiopia. AP PHOTO

Inihayag ng mga lider ng United Nations, U.N refugee agency at World Food Program na kabilang sa mga pasaherong sakay ng bumagsak na eroplano ang tinatayang 19 na U.N employees.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

"Deeply saddened by the news this morning of the plane crash in Ethiopia, claiming the lives of all on board," tweet ni UN Secretary General Antonio Guterres.

Sa listahang inilabas ng Ethiopian Airlines, pinakamalaking bilang ng nasawi ay mula sa Kenya, 32, kasunod ng Canada, 28, siyam mula sa Ethiopa, habang ang Italy, China at US ay may tig-walong mga pasahero.

Pito naman ang nasawi mula sa Britain at France, anim mula sa Egypt at lima mula Germany.

Kabilang din sa nasawi ang asawa at mga anak ng Slovakian MP Anton Hrnko.

Patuloy pang inaalam ang dahilan ng pagbagsak bagamat nagbanggit umano ng piloto na “he had difficulties and he wants to return,” ayon kay Ethiopian Airlines chief executive Tewolde GebreMariam .

Samantala, ang bumagsak na Boeing 737-800MAX ay katulad ng Indonesian Lion Air jet na bumagsak din noong Oktubre, 13 minuto matapos mag-takeoff, kung saan 189 katao ang nasawi.