Labing-apat na katao ang nasawi makaraang bumagsak ang isang eroplano sa lalawigan ng Meta sa Colombia nitong Sabado.
Sinabi ng Special Administrative Unit of Civil Aeronautics na walang nakaligtas sa aksidente, na nangyari makaraang magbigay ng distress call ang DC-3 aircraft bandang 10:40 ng umaga, local time (1540 GMT).
Ang eroplano, na pagmamay-ari ng Laser Aereo airlines, ay patungo sa katimugang siyudad ng San Jose del Guaviare papunta sa gitnang Villavicencio nang mangyari ang aksidente.
Bumagsak ito habang nasa kalaghatian ng biyahe, ayon sa munisipalidad ng San Carlos de Guaroa.
Sa isang pahayag na ipinaskil sa Twitter, sinabi ng ahensiya na kabilang sa mga nasawi ang alkalde ng isang maliit na bayan sa kagubatang probinsiya ng Vaupes.
-Reuters