Minamadali na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng ikalawang ayuda para sa mga pamilya ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na napatay sa Mamasapano encounter noong 2015.

AYUDA download (7)

Sa pahayag ng DSWD, tinutulungan na ng mga tauhan nito sa mga field office ang mga benepisyaryo upang makumpleto na ang kanilang liquidation reports na nauna nang inilabas sa mga ito.

Nillinaw ng ahensya, inilabas nila ang unang bahagi ng kanilang ayuda para sa 71 dependents na aabot sa P11,378,338.58,  noong huling bahagi ng 2015.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“The funding for the assistance was sourced from the President’s Social Fund or PSF of the previous administration under the Social Services Program for the Families of the Armed Forces of the Philippines and Philippine National Police Personnel killed in Military and Police Operations,” ayon sa DSWD.

Ang nasabing programa ay binuo sa pamamagitan ng inter-agency collaboration ng DSWD, Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Technical Education and Skills Development Authority, at ng Presidential Management Staff (PMS).

Ipinahayag pa ng DSWD na layunin nito na mabigyan ng livelihood at skills training, edukasyon at medical assistance ang mga kaanak ng mga nasawing tauhan ng SAF.

-Ellalyn De Vera-Ruiz