NAKA-schedule sa April ang airing ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Bihag, na batay sa teaser nitong napapanood na, ay tungkol sa nangyari sa anak ng dalawang ama. Nasa teaser sina Max Collins at Jason Abalos, na kasama sa cast, sa direksiyon ni Neal del Rosario.

Jason at Max at Neil

Napapanahon ang tema ng Bihag, na pinagsama-sama ang action, suspense, thriller, at family drama. Nabanggit nina Max at Jason na magugustuhan ng viewers ang serye, dahil intriguing ang kuwento nito.

Naghahanda na ang buong cast, production team, at creative team para mas mapaganda pa ang serye, na malapit nang mapanood.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nakakatuwa naman ang comment ni Jason tungkol sa husay ng acting ng co-star niyang si Neil Ryan Sese.

“Si @neilsese nang-aagaw ng eksena, sobrang halimaw umarte,” post ni Jason.

Hindi naman siguro mao-offend dito si Neil Ryan, dahil malinaw namang papuri sa kanya ang komento ni Jason.

May fan naman si Jason na nag-comment na sana ay hindi beki ang role ng aktor sa Bihag. Sa Asawa Ko, Karibal Ko kasi ay beki na naging transgender ang matatandaang ginampanan ni Jason.

In fairness, kung pahusayan lang naman ang acting ay hindi pahuhuli sina Jason at Max sa acting ni Neil Ryan.

Kasama rin sa cast sina Mark Herras at Sophie Albert.

-Nitz Miralles