Nangako si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ang kanyang kampanya kontra korupsiyon sa gobyerno, at binigyang-diin na walang “sagrado” sa sinumang magsasagawa ng corruption sa kanyang termino.

Ex-PCSO General Manager Alexander Balutan

Ex-PCSO General Manager Alexander Balutan

Sa kanyang pagdalo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Negros Occidental nitong Biyernes, sinabi ng Pangulo na sisibakin niya ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno at kakasuhan ang mga ito.

“Corruption, wala kong patience. We will continue to purge government,” sabi ni Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Walang sagrado dito. Ni anak ako, ni kaibigan ko. Basta nandyan ka, nandyan ka. Pasensiya ka, period,” dagdag niya.

Ito ang inihayag ng Presidente makaraan niyang sibakin sa serbisyo si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa mga seryosong alegasyon ng kurapsiyon.

Si Balutan, isang retiradong Marine general, ay itinalaga sa PCSO noong Setyembre 2016.

Sa kanyang speech, sinabi ng Pangulo na nagsibak na siya ng “so many Cabinet members”, kabilang ang mga matagal na niyang kaalyado, dahil sa pagkakadawit sa kurapsiyon at pag-abuso.

Aniya, inaasahan niya ang “honest work” mula sa kanyang mga appointees. Pero aminado siyang ilan ang hindi makaiwas sa tukso na “really overcome your innate goodness”.

“If I could just succeed about a third of what I should be doing, I would be happy,” aniya, tungkol sa kanyang kampanya konta kurapsiyon.

“’Pag magulo pa tayo after me or it worsens after me at if we cannot stop corruption, kawawa talaga ang Pilipino,” sabi ni Duterte.

Genalyn D. Kabiling