SA hangaring mabigyan nang sapat na venue ang mga batang chess players, ipinahayag ng Mapua Filipino-Chinese Alumni Association, Inc. ang inorganisang 1st GM Eugene Torre Chess Cup na gaganapin sa MaYO 18 sa Mapua Gym, Intramuros, Maynila.

NAGBIGAY ng kanyang mensahe si NU Bullpups coach Goldwin Monteverde (kaliwa) habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) Youth Football League president Mike Atayde, TOPS president Ed Andaya, GM Eugene Torre, Mapua Fil-Chinese Alumni president Edmond Aguilar at Elias Ang.

NAGBIGAY ng kanyang mensahe si NU Bullpups coach Goldwin Monteverde (kaliwa) habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) Youth Football League president Mike Atayde, TOPS president Ed Andaya, GM Eugene Torre, Mapua Fil-Chinese Alumni president Edmond Aguilar at Elias Ang.

Mismong si Torre, kauna-unahang Asian chess player na nakakuha ng GM title, ang nagimbita sa kabataan na lumahok sa torneo sa kanyang pagbisita kahapon sa "Usapang Sports" ng Tabloids Organization  in Philippine Sports (TOPS) sa  National Press Club, Intramuros, Maynila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"This is open to all chess players. Magandang exposure ito lalo na sa mga bata," sabi ni Torre, naging miyembro rin ng Mapua chess team sa kolehiyo.

"Magkakasubukan din dito ang mga tituladong manlalaro lalo pa na isa itong FIDE (World Chess Federation)  rated event. But the important thing here. May mga tournament na lalaruan an gating mga players na makatutulong sa paghubog hindilamang ng kanilang talent bagkus ng character,” aniya.

Ayon kay  Eng. Edmond Aguilar, presidente ng nag-oorganisang Mapua Filipino-Chinese Alumni Association,  lilimitahan nila sa 400 manlalaro ang makakalahok sa torneo upang matutukan ang kalidad ng mga laro.

Pakay din aniya ng torneyo na mahasa ang mga manlalaro ng Mapua bilang paghahanda na rin sa mga nalalapit na inter-collegiate tournaments.

Dagdag naman ni tournament director at Mapua head coach Boyet Tindugan Tardecilla,  ang magkakampeon sa Open division ay mag-uuwi ng  P30,000 premyo at isang magarang tropeo.

Ang runner-up ay magwawagi ng P20,000 at ang third placer ay mananalo ng  P8,000.

Ang mga magkakampeon naman sa elementary at high school division ay pagkakalooban  ng tig-P5,000.

Ang mode of play ay 12 minutes plus 5 seconds increment time control format.

Ang registration fees ay P500 sa  open division,  P200 sa elementary at P200 din para sa  high school division.

“With this tournament, hopefully, maibalik din ng Mapua chess team yung galing ng koponan dati,” aniya.

-EDWIN ROLLON