Kaagad na nagbitiw sa puwesto ang cardinal ng France makaraang patawan ng anim na buwang suspended jail term sa kabiguang maiulat ang mga seksuwal na pang-aabuso ng isang pari.

Cardinal Philippe Barbarin

Cardinal Philippe Barbarin

Nagpasya ang korte sa Lyon, timog-silangang France, na guilty ang 68-anyos na si Cardinal Philippe Barbarin sa kabiguang maiulat ang mga alegasyon ng pang-aabuso ng isang pari sa mga menor de edad noong 1980s at 1990s.

Siya ang ikatlong senior French cleric na napatunayang nagkasala sa pagtatakip sa seksuwal na pang-aabuso ng mga paring Katoliko.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“I have decided to go to see the Holy Father to hand him my resignation. He will receive me in a few days' time,” sinabi ni Barbarin sa news conference matapos siyang mahatulan.

Hindi siya personal na humarap sa korte nang basahan ng hatol.

“Independently from my own fate, I wish once again to stress my compassion for the victims,” anang cardinal.

Nililitis na si Barbarin nang eskandaluhin ang Simbahang Katoliko ng mga parehong alegasyon sa Australia, Brazil, Chile, at Amerika.

Pinili ni Barbarin “in all conscience” na huwag nang sabihin sa mga awtoridad ang tungkol sa mga alegasyon ng pang-aabuso “in order to preserve the institution to which he belongs,” nakasaad sa verdict na isinapubliko nitong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

“By wanting to avoid a scandal caused by a priest's multiple sex offenses, and probably in seeking to conform to inadequate decisions taken by bishops before him, Philippe Barbarin preferred to take the risk that justice would be unable to uncover a great number of victims of sexual abuse and prevent them from voicing their pain,” saad pa sa hatol.

AFP