Umapela ngayong Biyernes sa mga opisyal ng gobyerno ang grupo ng mga pribadong eskuwelahan “[to] think twice” sa pagbibitaw ng mga opinyon, partikular sa mga usaping nakaaapekto sa values formation ng kabataan—lalo na ng mga estudyante.
Ito ay makaraang magpahayag ng pagkabahala ang Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) sa sinabi kamakailan ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi dapat na malaking usapin ang pagiging tapat ngayong panahon ng eleksiyon dahil “everybody lies”.
“Please help school[s] to understand about honesty is [still] the best policy,” sabi ni FAPSA President Eleazardo Kasilag.
Aniya, ang sinabi ni Carpio tungkol sa katapatan “really disappointed us in education.”
Sinabi ni Kasilag na karamihan, kundi man lahat, ng pader ng mga silid-aralan “are decorated with big poster that says: HONESTY is the best policy” [and] now, if that does not apply [anymore], what shall we use to substitute that?” aniya.
“I thought this government is against corruption?” ani Kasilag, at binanggit ang lumang kasabihan na “ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw”.
“Even parents shall have a hard time now to discipline their kids when trust is not virtue anymore and hardly considered.
“Where is education in the county go in this situation?
“We need to hear clarification from our leaders, we need to hear from Mayor Sara what she really needs before I make my speech this coming graduation because I intend to stress on ‘honesty is the best policy’,” sabi ni Kasilag.
Matatandaang binanggit ng alkalde ang nasabing mga salita kaugnay ng sinasabing pagsisinungaling umano ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos tungkol sa dalawang unibersidad na pinagtapusan nito.
Si Marcos ay kabilang sa mga kandidato sa pagkasenador na ineendorso ng Hugpong ng Pagbabago, na pinamumunuan ni Carpio.
-Merlina Hernando-Malipot