Patay ang apat na hinihinalang carnapper makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Highway Patrol Group sa Biazon Road sa Muntinlupa City, ngayong Biyernes.

CARNAPPER_ONLINE

Ayon kay Chief Supt. Roberto Fajardo, director ng HPG ng Philippine National Police (PNP), tatlo sa mga suspek ang dead on the spot habang ang isa ay nasawi sa Ospital ng Muntinlupa.

Ayon kay Fajardo, isang driver ng van ang muntik nang mabiktima ng mga suspek matapos na huminto para umihi sa isang bahagi ng kalsada sa Taguig.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Habang umiihi, tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang biktima saka kinuha ang susi ng van, gayunman bigo ang mga suspek na matangay ang sasakyan nang masilayan ang pulis na nagpapatrulya sa lugar.

Dito na ini-report ng biktima sa mga pulis ang mga suspek at nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng HPG Task Force Limbas.

Sa bahagi ng Biazon Road, naabutan ng mga awtoridad ang mga suspek, na agad umano silang pinaputukan.

Nakipagbarilan ang mga pulis at bumulagta ang mga suspek.

Fer Taboy