ITOGON, Benguet – Dalawang tauhan ng forest guard ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Benguet, ang nalambat ng mga awtoridad matapos mangikil sa ilang small scale miner sa Itogon, Benguet, nitong Miyerkules ng hapon.

FOREST GUARD images

Kinilala ni Police Major Ruel Sawatang, hepe ng Itogon Municipal Police station (MPS), ang dalawang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong extortion na sina Danilo Pal-iwen Atompa, 54,ng North Sanitary Camp, Baguio City, at Dino Landisan Lasaten, 58, ng Quezon Hill, Baguio City.

Paliwanag ni Sawatang, nakatanggap sila ng reklamo ng ilang minero kaugnay ng pangingikil ng dalawang suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang magkakasanib na tauhan ng Itogon MPS, Provincial Intelligence Branch at Benguet Police Mobile Force, sa may Level 5000, Baguio Gold, Tuding, Itogon, Benguet, dakong 3:10 ng hapon.

Nang tanggapin ng dalawang suspek ang marked money ay agad na silang dinampot.

Bukod sa narekober na dalawang piraso ng tig-P1,000;  walong pirasong P1,000 boodle money, nasamsam din sa dalawa ang dalawang DENR ID at cellphone.

-Rizaldy Comanda