SHOWING na sa March 27 ang Eerie, na unang horror film ni Bea Alonzo. Nasa movie rin si Ms Charo Santos, na huling napanood sa pelikula sa Ang Babaeng Humayo noong 2016.

Charo at Bea

“Ito ang unang horror film ko at isang karangalan na magawa ko ito kasama ang nag-iisang Charo Santos. Matagal siyang hindi gumawa ng horror film simula Itim noong late ‘70s. Hanggang ngayon hindi ko masabi kung gaano ako kasaya para dito,” sinabi ni Bea sa grand mediacon ng Eerie na ginanap sa Kapamilya Studio Experience sa may Trinoma Mall last Saturday night.

“It’s a horror script pero tinatalakay din ng pelikula ang mahahalagang issue tungkol sa doktrina, siyensiya, paniniwala at kaisipan. Dalawang magkaibang character, dalawang magkaibang paniniwala,” sabi naman ni Ms. Charo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi isyu sa premyadong aktres na si Ms. Charo na na ‘tila support siya kay Bea sa Eerie, matapos niyang magbida sa Ang Babaeng Humayo, na nanalo ng Golden Lion Award sa Venice film fest sa Italy.

Ayon kay Ms Charo, para sa isang tunay na artista, walang malaki o maliit na role. Gusto niya raw ‘yung kuwento ng Eerie, gusto niyang gawin ang pelikula at gusto niya ang mga makakasama niya, so wala nang dapat na kuwestiyunin pa.

Ang karakter ni Ms Charo sa pelikula ay bilang ang mother superior na si Sor Alicé, na traditional na sumusunod sa dogma ng institusyon, pero very human ito na morally ambiguous at very conflicted.

Si Bea naman ay isang modern-day guidance counselor na laging curious, maraming tanong at gustong alamin ang ugat ng mga isyu.

Kuwento ni Bea, lagi silang may confrontation scenes dito ni Ms Charo, so na-excite kaming mapanood ang tunggalian ng acting ng dalawa sa pinakamagaganda at pinakamahuhusay na aktres sa bansa.

Dugtong pa ni Bea, sa dulo ng movie ay may revelation kung saan may pagpapaliwanag na gagawin si Sor Alicé, at magugulat daw tayo sa ipinakitang husay ni Ms Charo.

“Ako, in awe rin ako after that scene. Hindi ko alam, parang nawala rin ako sa eksena while doing it. Merong noises pala na hindi namin napansin because sobra kaming into that scene. Ang galing niya du’n,” papuri ni Bea sa Asia’s Best Actress.

Para kay Ms Charo, ang nasabinng eksena ang most frightening sa Eerie.

-MERCY LEJARDE