University of Perpetual Help System Dalta na triple-crown matapos kapwa magtagumpay sa kanilang back-to-back bid sa kani-kanilang divisions sa NCAA Season 94 beach volleyball tournament sa SM By the Sands sa Pasay City.

Nakabawi ang kambal na sina Ella at Nieza Viray sa mga naunang pagkatalo dahil sa nangyaring forfeiture dulot ng mali nilang uniporme matapos nilang walisin ang natitirang pitong matches bago pinadapa ang pares nina Dana Persa at Deana Estanislao, 21-11, 21-15, sa finals upang makamit ang ikalawa nilang titulo sa women’s division.

Kapwa kumukuha ng kursong Bachelor of Physical Education Major in Sports,nangako ang kambal na magga- graduate sila sa susunod na taon na may three-peat.

Nakamit naman ng Generals pair nina Joshua Pitogo at Joshua Mina ang kanilang ikalawang men’s crown makaraang ungusan ang Altas tandem nina Gilbert Ghill Balmores at Jay Jay Solamillo, 21-19, 17-21, 15-13 sa finals.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Tanging ang Junior Altas lamang sa tatlong koponan ng Perpetual na umusad ng Finals ang nagwagi ng titulo.

Namayani sina Noel Michael Kampton at Hero Austria kontra Letran, 19-21, 21-12, 15-7 sa kampeonato.

-Marivic Awitan