MAGING ang dental services ay libre na para sa mga professional boxers.

PRO MUAY! May lugar nang mapupuntahan ang mga local muaythai fighters sa binuong professional group na WBC Muaythai, sa pangangasiwa ng Games and Amusement Board (GAB) matapos maisapinal ang pagsumite ng mga requirement sa regulatory body ng bansa. Ibinida nina (mula sa kaliwa) WBC MuayThai Philippines representative Erwin Tagle, GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, promoter Donny Elvina ng Sipaksi Inc., GAB Commissioner Eduard Trinidad at Zhie Vallega ang championship belt para sa National championship sa sisimulang Muaythai Ultimate Challenge sa Marso 27 sa Metro tent sa Mertrowalk sa Pasig City.

Sa binuong memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Games and Amusement Board (GAB) at Armed Forces of the Philippines, pagkakalooban ng GAB ang mga professional boxers ng libreng dental services sa lahat ng AFP Dental Service sa buong bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Nakausap na po natin ang pamunuan ng AFP and Commissioner Eduard Trinidad already prepared the Memorandum of Agreement (MOA) so we can signed it anytime next week,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“Malaking bagay ito sa ating mga boxers. Sa ngayon, boxers muna ang inilagay naming sa MOA dahil sila yung talagang apektado dahil sa mga laban. Other sports, isusunod natin ‘yan. Yung dental services ng AFP ay available sa kanilang mga kampo kaya madaling puntahan especially ng mga boxers natin sa probinsiya,” sambit ni Mitra.

Batay sa MOA, nakapaloob ang libreng serbisyo sa dental examination, oral prophylaxis, dental filling, tooth extraction, minor surgeries at dental x-ray.

“Ipinangako nain ito sa ating mga boxers na gagawina ng lahat para sa pakinabangan ng lahat n gating mga atleta. Unahin lang muna naming ang boxers tapos sunod-sunod nay an para sa lahat ng pro athletes,” pahayag ni Mitra.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) naisulong ng GAB ang libreng medical at drug test, gayundin ang MIR at CT-Scan para sa lahat ng atletang nasa pangangalaga ng GAB.

“Ilan taon na rin po mula nangh maupo tayo sa GAB ay napagsilbihan natin ng libreng medical an gating mga atleta,” sambit ni Mitra.

Bunsod nito, pinarangalan ang GAB bilang ‘Commission of the Year’ sa ginana na World Boxing Council (WBC) Convention noong 2017 at ang programang librengf medical ay ginamit na template para s alhata ngmiyembrong bansa ng WBC.

Samantala, sinabi ni Mitra, nagsagawa ng serye ng pagpupulong ang GAB-Legal Division kasama ang Boxing & other Contact Sports Division at Medical Section para maamyendahan ang rules and regulations sa professional boxing sa bansa.

Ang pagamyenda sa Article 64 ng GAB rules and regulations ay  paraan upang mas maprotesyunan ang mga boxing ring officials hingil sa natatanggap na professional fees sa mga promoters.

-Edwin Rollon