MARAMI ang nagsasabing mali ang balak ng gobyerno o ng Department of Interior and Local Government (DILG) na isapubliko ang mga pangalan ng pulitiko na umanoā€™y sangkot sa illegal drugs.

Para kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, higit na makatuwirang maghain ng kaukulang kaso ang pamahalaan sa umanoā€™y narco-politicians sa halip na hiyain sila at ilantad ang mga pangalan. Ayon kay Guanzon, kapag itinuloy ito ng DILG na pinamumunuan ni Sec. Eduardo AƱo, babalewalain lang ito ng Comelec at papayagan pa rin ang mga ito na tumakbo sa 2019 midterm elections.

Binigyang-diin ni Guanzon na maaari lang i-disqualify ng Comelec ang isang pulitiko/kandidato sa paghawak ng public office kapag siya ay convicted sa anumang pagkakasala o sa drug-related offenses. Inihayag ni AƱo na ilalathala ng DILG ang mga narco-politicians bago magsimula ang campaign period para sa mga kandidatong-lokal, bilang gabay daw sa mga botante.

Kabilang sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon sa nagsabing ang plano ng DILG sa paglalathala ng mga pangalan ng umanoā€™y mga pulitiko na sangkot sa illegal na droga ay paglabag sa due process. Lantaran itong panghihiya, gayong wala pa namang ebidensiya na sila nga ay narco-politicians. At sino ang makapagsasabing ang mga isinangkot na pangalan ay inosente pala, tulad ng noon ay inilathalang pangalan ng ilang kongresista, governor at mayor, na hindi naman pala sangkot sa illegal drugs?

Pinaalalahanan naman ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyernong Duterte at ang DILG na ang mga suspek ay itinuturing na inosente hanggang hindi napatutunayang may sala. Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia, kung talagang may solidong ebidensiya ang DILG, makabubuting sampahan sila ng kaso sa halip na ilathala ang pangalan at isailalim sa trial by publicity.

Sinabi ni Lacson na minsan nang sumablay ang listahan ng umanoā€™y mga pulitiko na sangkot sa droga, partikular ang pagtukoy kay Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., na pinangalangan ni PRRD sa publiko noong Setyembre 2016 bilang protector ng drug syndicates. Sa bandang huli, kumambiyo si Mano Digong at nag-apologize kay Espino, at sinabing ang kanyang subordinates na naghanda ng tinatawag na drug matrix, ay nagkamali pala.

oOo

Malaking bilang ng mamamayan, 78 porsiyento, ang nangangamba na baka sila o ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan, ang maging biktima ng Extrajudicial Killings (EJKs) na kagagawan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) o ng mga vigilantes na pinaghihinalaang mga pulis din naman.

Pinawi ng MalacaƱang ang ganitong pangamba at sinabing walang dapat ikatakot ang mga tao na hindi sangkot sa illegal drugs. Sa SWS survey noong Disyembre 16-19, 2018, 78% ang nag-aalala samantalang 28% ang nagsabing hindi sila natatakot.

Batay sa mga ulat, mahigit na sa 5,000 ang napapatay sapul nang ilunsad ni PRRD ang giyera sa illegal drugs noong 2016. Gayunman, iba ang datos ng human rights groups at mga kritiko ng Duterte administration, na nagsabing mahigit na sa 20,000 ang napapatay sa drug bust operations.

Marami ang naniniwalang ang napatay na drug pushers at users ay hindi ā€œnanlabanā€, ang mga baril at shabu na nagtagpuan sa kanilang mga bangkay, ay ā€œitinanimā€ lang daw ng mga pulis. Naniniwala ang mga Pinoy sa kampanya ng ating Pangulo laban sa droga, dangan nga lamang sa isyu ng EJKs na basta na lang binabaril ang mga suspek na sinasabing nanlaban.

-Bert de Guzman