NITONG Martes ay kinilala si Kylie Jenner bilang ang pinakabatang self-made billionaire of all time ng Forbes magazine, salamat sa kanyang booming cosmetics company na itinatag niya tatlong taon na ang nakaraan. Ayon sa Forbes, siya ang youngest billionaire sa buong mundo at ang pinakabatang self-made billionaire sa kasaysayan.

APTOPIX 2017 MET Museum Costume Institute Benefit Gala

APTOPIX 2017 MET Museum Costume Institute Benefit Gala

Sa kanilang billionaires list, inihihiwalay ng Forbes ang mga personalidad na nagmana ng yaman at mga taong kumita ng kanilang sariling pera. Si Kylie ang pasok sa 2,057th place kahit na self-made man o namana niya ang kanyang yaman.

Noong nakaraang taon, may tinatayang 360 million sales ang Kylie Cosmetics, ayon sa Forbes. One hundred percent na pagmamay-ari ni Kylie, na may isang taong gulang na anak, ang naturang kumpanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kumikita rin siya mula sa mga endorsement at paglabas sa Keeping Up with the Kardashians.

Noong nakaraang taon ay lumagda ang Kylie Cosmetics sa isang kasunduan sa Ulta Beauty Inc para ibenta ang kanyang mga produkto sa lahat ng 1,163 U.S. retailer stores.

Ang pinakamayang tao pa rin sa buong mundo ay ang Amazon.com Inc Chief Executive Officer na si Jeff Bezos, na may net worth na $131 billion, ayon sa Forbes.

Ang Microsoft Corp co-founder na si Bill Gates pa rin ang nasa No. 2 spot na may aabot sa $96.5 billion yaman.

Bumaba naman ng tatlong puwesto ang Facebook founder at CEO Mark Zuckerberg at napunta sa No. 8 spot, dahil nabawasan ang yaman niya ng $8.7 billion mula sa dating $62.3 billion.

Reuters