INSPIRASYON ng kabatang Pinoy si 2018 Asian Games Skateboard athlete Margielyn Didal.
Ay nararapat lamang na tumbasan ito ng mga parangal bilang pagkilala sa kabayanihan ng pambato ng Cebu City.
``The award by the PSA has motivated me to work harder as I prepare to qualify for the3020 Tokyo Olympics,’’ pahayag ni Didal.
Kasalukuyang naghahanda si Didal para sa mga kompetisyon na kanyang lalahukan bilang Olympic qualifier sa iba’t ibang bansa, habang handa naman ang Go for Gold sa pangunguna ng presidente nitong si Jeremy Go na sumoporta sa kampanya ng nasabing skateboard athlete.
“We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the Olympics, and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,’’ pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go.
Nasa Ranked No. 14 sa world Didal, ngunit kailangan pang makasungkit ng panalo ng 19- anyos na Cebuana sa apat pang Olympic qualifying meets na magaganap ngayong taon sa London, United States, China at Japan.
Batay sa impormasyon ng Olympic body, tanging top 38 women skaters ang maaring makapasok sa quadrennial event.
Bukod kay Didal suportado din ng Go For Gold ang mga kompetisyon na lalahokan ng isa pang skateboard athlete na si Christiana Means na habol din na makasingit sa Olimpiyada.
Samantala, dahil sa aprubado na ang skateboarding bilang regular event sa 2024 Olympics na gaganapin sa Paris, nagsimula nang maghanap sa Philippine skateboarding team ng mga Filipino skaters na maaring sumunod sa yapak ni Didal pagdating sa galing sa nasabing sports.
Sinabi ni Monty Mendigoria na presidente ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines na nagbigay na sila ng 12 na bagong judges at referees na may basbas ng Asian Extreme Sports Federation technical director na si Warren Stuart.
Magsasagawa din ilang serye ng regional tryouts ang grupo ni Mendigoria na magsisimula sa Luzon leg sa Iba, Zambales ngayong Marso 16 at 17 kung saan maghaharap ang mga nanalo sa iba’t ibang leg sa national finals at magkakaroon ng pagkakataon na makalahok sa nalalpit na 30th Southeast Asian Games.
Ang national qualifier para sa Southeast Asian Games ay nakatakda naman sa Aug. 24-25 na gaganapin sa Sta. Rosa, Laguna pagkatapos ng Mindanao leg sa Mayo 25 at 26 sa General Santos City.
Habang ang mga magagaling na skaters mula sa Visayas region ay maghaharap sa Cebu City sa April 6 at7 kung saan ay inaasahang daluhan ni Didal upang magbigay suporta sa mga apirants.
-Annie Abad