BOSTON (AP) — Naisalba ng Houston Rockets ang pagkawala ni James Harden sa krusyal na sandali tungo sa 115-104 panalo kontra Boston Celtics nitong Linggo (Lunes sa Manila).

NAKAISKOR si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers laban sa depensa ni Terrence Ross ng Orlando Magic sa unang bahagi ng kanilang laro sa NBA. (AP)

NAKAISKOR si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers laban sa depensa ni Terrence Ross ng Orlando Magic sa unang bahagi ng kanilang laro sa NBA. (AP)

Hataw ang reigning MVP sa naiskor na 42 puntos, tampok ang anim na three-pointer para sa ika-24 na pagkakataon nakaiskor siya ng 40 o higit ngayong season, at maitarak ng Rockets ang ikalimang sunod na panalo sa kabila ng pagja-foul out sa final period.

Kasalukuyang nasa No. 5 ang Rockets sa Western Conference standings, sa likod ng Oklahoma City Thunder.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Eric Gordon ng 32 puntos at walong three-pointer.

Nakamit ng Boston ang ikalimang kabiguan sa huling anim na laro. Nanguna si Kyrie Irving na may 24 puntos, siyam na rebounds at anim na assists., habang kumana si Al Horford ng 19 puntos.

Sinimulan ng Celtics ang final period sa 17-6 run para matapyas ang 28-puntos na paghahabol sa 106-96 may 6:08 sa laro.

PISTONS 112, RAPTORS 107

Sa Detroit, naitumpok ni Blake Griffin ang 27 puntos, tampok ang 14 na puntos sa first quarter, para gapiin ang Toronto Raptors.

Sinamantala ng Detroit ang pagkawala ni forward Kawhi Leonard, ipinahinga matapos ang pahirapang panalo laban sa Portland.

Ang laro ay ipinapalagay na first-round matchup sa Eastern Conference playoffs.

Kumubra si Kyle Lowry ng season-high 35 puntos sa Raptors, habang tumipa si Pascal Siakam ng 21 puntos.

HAWKS 123, BULLS 118

Sa Chicago, naitala ni Alex Len ang season-high 28 puntos para sandigan ang Atlanta Hawks laban sa Chicago Bulls.

Nag-ambag si Trae Young ng 18 puntos bago napatalsik sa laro bunsod ng technical laban kay Chicago’s Kris Dunn. Sa kabila nito, nanaig ang Hawks para makabawi sa 168-161 quadruple overtime nitong Biyernes sa home game.

Nanguna si Lauri Markkanen sa Chicago na may 19 puntos, habang tumipa si Antonio Blakeney ng 17 puntos.

Gasol, sa Milwaukee na

Sa Milwaukee, pormal nang lumagda ng kontrata si Spanish star Pau Gasol sa NBA-leading Milwaukee Bucks nitong Linggo (Lunes sa Manila) dalawang araw matapos makipagkasundo ng buyout sa San Antonio Spurs.

Tangan ng two-time NBA champion at six-time All-Star ang averaged 4.2 puntos, 4.7 rebounds at 12.2 minuto sa 27 laro sa Spurs ngayong season, ika-18 sa NBA career.

Sa 1,223 career games sa Memphis, Los Angeles Lakers, Chicago at San Antonio, naitala niya ang averaged 17.1 points, 9.2 rebounds, 3.2 assists, 1.59 blocks at 33.5 minuto. Isa siya sa apat na player na may 20,000 points, 11,000 rebounds, 3,500 assists at 1,500 blocks sa career kasama sina Kareem Abdul-Jabbar, Tim Duncan at Kevin Garnett. Bahagi ang 7-footer cenger sa kampeonato ng Lakers noong 2009 at 2010.