Standings

W L

Gen. Trias 3 0

Manila 1 0

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

San Juan 3 1

Binangonan 2 1

Parañaque 2 1

San Mateo 2 1

Bulacan 2 1

Quezon City 1 1

Pasig 1 2

Malabon 1 3

Rizal 0 1

Nueva Ecija 0 2

Rizaba 0 4

Marikina x x

DUMAAN sa matandang kawikaan na butas ng karayom ang Manila Team bago pataubin ang Pasig, 95-89, para sa matikas na simula sa Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup basketball tournament nitong Sabado sa General Trias Sports Complex sa Cavite.

Kumubra sina Mark Christian Yu at James Marangan ng pinagsamang limang puntos sa free throw sa huling 6.7 segundo para sasndigan ang Sausage Kings sa pahirapang panalo.

Nagawa ng Manila ang matikas na free throw bilang tugon sa 17-8 run ng Pasig, tampok ang jumper ni Martin Fajardo para maidikit ang iskor sa 89-90 may 25 segundo ang nalalabi.

Nanguna si Arben Dionson sa Manila sa naiskor na 25 puntos at 14 rebounds, habang kumana sina Yu ng 22, Alnel Orquina na may 13 puntos at Wowie Escosio na may 10 puntos.

Hataw si Fajardo na may 19 puntos sa Pasig, nakamit ang ikalawang sunos na kabiguan.

Nanaig naman ang General Trias sa Rizaba, 100-64, para sa ikatlong sunod na panalo.

Hataw sina Haddi Porto,Chester Melencio, Jonathan Rivera at Allan Evangelista sa pinagsamang 52 puntos para sa Braves.

Kumana naman si Alvin Se ng 15 puntos at 12 rebounds sa Raptors, nagtamo ng ikaapaty na sunod na kabiguan.

Ang 36 puntos na panalo ng Braves sa Raptors ang pinakamalaking bentahe na naitala sa bagong tatag na liga na inorgania ni actor-director Carlo Maceda, kasams sina PBA legend Pido Jarencio bilang consultant at Beaujing Acot bilang operation head. Natabunan nito ang 29 puntos na panalo ng San Juan kontra Malabon (103-74) noong Feb. 3.

Iskor:

(Unang Laro)

Manila Sausage Kings (95) - Dionson 25, Yu 22, Orquina 13, Escosio 10, Marangan 9, Morales 8, Liwag 3, Dela Cruz 3, Tubera 2, Castillo 0, Valencia 0

Pasigueno (89) - Fajardo 19, Ronquillo 14, Reyes 14, Boholano 11, Chavenia 10, Trinidad 7, Jacinto 5, Gallano 3, Pinili 2, Malinao 2, Rodriguez 2

Quarterscores: 21-10, 38-42, 67-62, 95-89

(Ikalawang Laro)

General Trias Braves (100) - Porto 18, Melencio 14, Rivera 12, Evangelista 10, Guillen 9, Gonzales 8, Laureno 6, Bondoc 5, Prudente 5, Alcaraz 4, Docto 3, Dejito 2, Rosales 2, Delos Santos 2

Rizaba Raptors (64) - Se 15, Lodia 12, Arcilla 9, Penalba 7, Lavarias 6, Angeles 5, Danao 3, Peig 3, Pelipe 3, Razon 1

Quarterscores: 23-15, 47-29, 81-42, 100-64.