Kung paniniwalaan ang  Catalan Fighting System head coach na si Rene Catalan, ang kanyang warrior na si Jomary Torres ay kailangang mas galingan pa sa mga laban.

Nakatanggap si Torres ng dalawang magkasunod na decision losses sa kanyang huling dalawang laban na maglalagay sa kanya sa posisyong virtual must-win match kapag kinaharap niya si Lin Heqin ng China sa ONE: REIGN OF VALOR ngayong Biyernes, Marso 8 sa Thuwunna Indoor Stadium, Yangon, Myanmar

Alam ni Catalan na nanganganib ang kanyang kampo kapag nagkaroon ng tatlong sunod sunod na pagkatalo kaya umaasa siya na Makita ang dating Torres na nanalo ng tatlong sunod sunod na beses para buksan ang kanyang kampanya sa ONE Championship.

"She has to be explosive and impressive in her upcoming fight. We cannot afford to have a third consecutive defeat,” sabi niya habang nagtamo si Torres ng decision losses laban kay Priscilla Hertati Lumban Gaol at sa dating ONE World Title contender Mei “V.V” Yamaguchi noong huling bahagi ng 2018.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pero kung may isang rason para umasa pa si Catalan ay ang kasiguraduhang tatapusin nila ang training camp ng maayos at walang kahit anong problema, maliit man o malaki.

Binahagi ni Catalan na ang “The Zamboanginian Fighter” ay kailangan maghanda na may ankle issues noon, isang bagay na naiwasan na nila para sa kompetisyon.

"Our training went well this time around, unlike her last couple of fights when she had problems with her ankle," bahagi niya.

Ngayong tagumpay siya sa paghahanda kay Torres sa pisikal na aspeto, kailangan namang bigyang pansin ni Catalan ang pagbabalik ng lakas ng loob ni Torres

"I told her to take those losses as a learning experience, and that we must properly execute our game plan moving forward,” pahayag niya.

“She was in high spirits even after losing. Everything I tell her she absorbs.”

"We might go for a stoppage in this fight. We are prepared to do everything,” sabi niya. “We already have a game plan that only needs to be followed."