COTABATO CITY – Nanaig ang Maranao online game enthusiast laban sa matitikas na karibal at tanghaling kampeon sa NBA 2K19 Asia Tournament Finals nitong weekend sa Trinoma Activity Center sa Quezon City.
Ginapi ni Aminolah “Rial” Datu-Ramos Polog, Jr. ang pitong karibal mula sa Hong Kong, South Korea, Taiwan, at host Philippines, ayon sa ulat ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Ang 28-anyos na si Polog, tangan ang alyas na ‘NBA 2k19 Rial’ sa global e-sports network, ay isang Maranao mula sa Lanao del Sur. Kasalukuyan siyang empleyado ng NCMF.
Ipinagmalaki ni NCMF spokesman Jun Alonto-Datu Ramos ang tagumpay ni Polog na kaagad niyang inilatag sa kanyang Fabebook.
“Polog started working at the NCMF in 2010 as a job order/casual employee to support his studies. He is so kindhearted for providing the expenses of his younger siblings,” pahayuag ni Datu Ramos.
Sa kabila ng kakulangan sa equipment, nagawang makasali ni Polog sa NBA 2K e-Sports at nagwagi sa national tourneys mula 2014 hanggang 2016, sapat para katawanin ang bansa sa Asian League.
Bunsod ng panalo, kakatawanin ni Polog ang bansa sa NBA 2K19 finals na gaganapin sa United States kung saan nakatgaya ang US$6,000
(P3-million) cash prize at grand trophy, ayon kay Datu Ramos.
Among the benefits that Polog received as member of the chosen elite players included a stay in the U.S. for six months with a salary of more than $30,000, plus housing benefits if he gets to the Top 17, it was learned.
“Polog’s victory brought honor to the Philippines and the NCMF, in general, and to the Muslim Filipino community and in the Maranao tribe, in particular,” pahayag ni Datu Ramos.
-ALI G. MACABALANG