Para sa paggunita ng Ash Wednesday bukas, umapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa mga kandidato na huwag gamitin ang banal na okasyon sa pangangampanya.

(kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmores)

Binalikan sa alaala ni Father Edwin Gariguez, executive secretary ng CBCP, ang nangyari noon nang ginamit lang umanong “photo opportunity” ng mga kandidato ang Ash Wednesday.

“This is a temptation to candidates this Lent as it provides an opportunity to be seen entering the church to show that they are pro-God because people vote for those they believe are pro-God,” sabi ni Gariguez sa isang panayam.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Don’t get ashes on your forehead if you are only after photo opportunities," giit niya.

Paliwanag ng pari, ang paglalagay ng abo sa noo ay isang paalala sa lahat na dapat pagsisihan ang mga nagawang kasalanan.

Sa paggunita sa Ash Wednesday, nagpapapapahid ng abo ang mga Katoliko sa kanilang noo bilang tanda ng pagsisisi sa mga nagawang pagkakamali.

Ang okasyon din na ito ang hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw o Kuwaresma.

Samantala, nanawagan naman si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na gawing bahagi ng kanilang paggunita sa Kuwaresma ang pagbibigay ng limos, pag-aayuno at pagdarasal.

"Let us share what we have with the poor through acts of justice and charity called almsgiving. Let’s take care of our health, our hungry neighbors and creation by restraining our appetite through fasting. Let us cast on the Lord our burdens in the spirit of faith and hope through prayer," pahayag ni Tagle sa kanyang mensahe para sa okasyon bukas.

-Leslie Ann G. Aquino