ILOILO CITY — Labingtatlong pulitiko sa Western Visayas region ang kabilang sa pinakabagong narco list na maaaring isapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Interior and Local Government (DILG) bago ang May 2019 elections.

NARCO

Hindi pinangalanan ang mga pulitiko, nilinaw ni PDEA-6 Regional Director Alex Tablate na patuloy pang tinitiyak ang naturang listahan.

"This is not final.  New names may be added while other names may be removed.  The validation process will determine that," pahayag ni Tablate sa BALITA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa 13 pulitiko sa listahan, pito ang tumatakbo sa iba’t ibang elective positions, na tinanggihan ni Tablate banggitin ang kanilang lokasyon.

Ngunit pinangalanan na ni Pangulong Duterte ang ilang Western Visayan politicians sa iba’t ibang talumpati. Kabilang dito si dating Iloilo City mayor Jed Patrick Mabilog.

Bukod sa Iloilo City, pinangalanan din ni Duterte ang mga umano’y narco politicians sa Antique, Guimaras, at Bacolod City.

Base sa PDEA intelligence, sinabi ni Tablate na ang mga pulitikong ito ay drug protectors at hindi direktang sangkot sa drug trade.

-Tara Yap