Isang lalaki sa Vietnam ang nagpa-tattoo ng kanyang ID card sa braso, dahil lagi niya itong nalilimutan, ulat ng Oddity Central.

ID Tattoo

Nag-viral kamakailan sa Vietnamese social media ang larawan ng ‘tila ID card na naka-tattoo sa braso. Ayon sa nag-post, napagdesisyunan ng kanilang kaibigan na ipa-tattoo ang ID nito dahil madalas itong hindi napapapasok sa mga nightclub na nagtse-check ng ID.

Kaya naman para siguraduhing hindi na niya ito makakalimutan, ipina-tattoo na niya ito sa kanyang braso.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“The story is that my friend, who resides in Ho Chi Minh City likes to go out drinking with friends, but every time they are subject to administrative inspection. He often failed to prove his identity because he didn’t have his ID card on him, so he got kicked out. Exasperated, today he went to a tattoo shop to have it inked on his arm,” ayon sa post.

Samantala, negatibo naman ang karamihan ng reaksiyon ng mga tao na nakakita ng larawan na sinabing “ridiculous” at ito na ang “most stupid tattoo” na nakita nila.

Inamin naman ng tattoo artist na nagserbisyo sa lalaki na nagulat siya sa request ng kanyang kliyente, at pinayuhan pa niya ito na pag-isipang mabuti ang desisyon. Pero mapilit umano ang lalaki kaya naman wala na siyang nagawa.

Sa ngayon hindi pa nasisiguro kung papasa sa mga ID inspection ang kanyang tattooed ID card.