MASASABING isa sa pinaka-in demand na product endorsers at TV hosts sa ngayon si Luis Manzano, na napapanood sa Minute To Win It ng ABS-CBN, weekdays. Tuwing Sabado at Linggo, host naman siya ng World of Dance Philippines at ASAP Natin ‘To.

Jessy at Luis

Sa kanyang endorsements, naririyan ang isang sikat na brand ng instant noodles, chocolate bar, at detergent soap.

Ganyan ka-in-demand si Luis. Pero bukod sa pagiging busy niya as TV host and endorser, may mga inaasikaso rin siyang ilang negosyo, gaya ng kanyang LBR fleet of taxis. Kaya walang dudang at an early age ay milyonaryo na si Luis, pero sa isang panayam sa kanya ay nilinaw niyang hindi siya super yaman gaya ng inaakala ng iba.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Akala n’yo lang mayaman ako, akala n’yo lang,” natatawang sabi ni Luis.

“I’m very blessed, pero sabi ko nga, if people understand the industry, I’m not saying na I’m not well compensated (as TV host), pero iba ang bayad sa isang leading man kumpara sa TV host, sa maniwala kayo o hindi.” Aminado si Luis na kumportable siya sa buhay, pero hindi raw siya gaya ng iniisip ng marami na sobrang yaman.“Hindi ako ‘yung iniisip n’yo na parang, ‘yung sobrang yaman.”

Hindi naman itinanggi ni Luis na meron siyang mga businesses, pero may mga kasosyo raw siya rito.

“Yeah, I have a few, pero hindi siya ‘yung parang. We have this notion kasi na ‘pag host ka, eh, sa ‘yo yung (malaking TF). Iba talaga ang TF ng hottest leading man na kinakikiligan [kumpara] sa isang simpleng host.

“I’m just saying na baka we have this notion kasi na… kasi for example, naririnig ko kung magkano ‘yung TF niyan. Pero sa inyo ‘yan, ito ‘yung sa akin,” katwiran ni Luis.

Aminado rin ang magaling na TV host na dahil sa pagpapayaman kaya nade-delay pa ang plano nilang pagpapakasal ni Jessy Mendiola.

“Yon ang number one. Actually, nag-iipon pa talaga ako. Kasi, ‘di ba, madaling magpakasal. Sobrang dali. Pero ‘pag inilatag mo na, at may pamilya na kayo, especially ngayon na mahirap ang buhay, medyo nakakatakot.

“Okay, fine, maganda ang buhay natin nang mga ilang taon. Pero paano kung may mangyari, ‘di ba? I want to be able to provide a life na I believe I and my family would deserve,” seryoso niyang sagot.

Speaking of pagpapayaman, ipinagmalaki ni Luis na may bagong business siya ngayon.

“May scent company (perfume) na ako. It’s called Lucky & Lulu. May dalawang kiosk na kami sa SM Bacoor, SM BF, and we’re hoping na dumami pa, at maglalabas pa kami ng marami pang products,” masayang kuwento pa ni Luis.

-ADOR V. SALUTA