ILOILO CITY -- Malaking tulong para sa sports development program ng Iloilo City ang mga equipment na ipagkakaloob sa kanila ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang host ng 2019 Batang Pinoy Visayas leg na ginanap sa Iloilo Sports Complex dito.
Ayon kay Iloilo City Youth and Sports Development Head na si Moises Solomon Jr., maraming kabataan ang makikinabang sa mga equipment na nagkakahalaga ng P15 milyon.
“We are very thankful to the Philippine Sports Commission for giving us the opportunity to host this prestigious event,” pahayag ni Solomon.
Hindi lamang mga batang atleta ang makikinabang sa nasabing tulong gayundin ang mga out-of-school youth na may potensyal na mangibabaw sa sports.
Sinabi ni Solomon na tuluy-tuloy ang programa ng nasabing lungsod pagdating sa sports development.
Sa katanuyan, bibigyan lamang nila ng isang linggo ang mga kabtaang atleta na magpahinga saka muling isasabak sa training.
“At an early age nalalaman na agad nila Ang essence ng discipline. So they will go back to training para naman sa National Finals, although matagal pa. Gusto lang namin na ikundisyon sila,” aniya.
Tinapos ng Iloilo City ang kampanya sa Batang Pinoy sa impresibong overall championship tangan ang 57-49-44 (G-S-B) medalya.
-Annie Abad