SA temang “Blooming Forward”, makukulay na kasuotan na may mga malikhaing palamuti na pinatitingkad ng pag-indak sa saliw ng gong at musika ang ibinida ng 24 na participants sa Grand Street Dancing Parade para sa 24th Panagbenga Festival nitong Sabado, sa Baguio City.

15

Nagpahusayan ang pitong grupo sa elementary drum and lyre, samantalang anim naman sa high school category, at apat sa open category.

Ipinagmalaki ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. at ng city government ang mas malaking premyo ngayong taon, at lahat ng participants ay nanalo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakilahok din sa parade ang limang nanalo sa cultural category sa kauna-unahang cultural competition nitong Pebrero 23. Labis din na naaliw ang mga manonood sa guest performer na Tribu Ilonganon, ng Iloilo Dinagyang Foundation, at ang winning performer ng Tabuk City, Kalinga.

Sa open category, sa ikalawang pagkakataon ay nanalo ang Saint Louis’ College sa showdown presentation sa Athletic Bowl.

6

Sa kanilang presentasyon, na may titulong “Rice for Life” suot ang Ifugao traditional attire, isinalarawan nila ang masayang buhay ng mga magsasaka, mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani ng palay, ang “tinnawon” native rice. Tatanggap sila ng P300,000 premyo.

Pumangalawa naman ang Mana-I Group, ng Burgos, La Union, na may titulong “Amag ni Sih-si” o Broom Making, na tatanggap ng P200,000; habang pumangatlo ang Puto Festival group ng Calasiao, Pangasinan, na tatanggap ng P150,000; at P50,000 ang matatanggap ng nasa ikaapat na puwesto, ang Tribu Café ng Kibungan, Benguet.

Sa high school category, nanguna ang Baguio City National High School sa kanilang titulong “Wonders of Baguio”, na tumanggap ng P250,000; pangalawa ang University of Cordilleras Senior High, na may titulong “Ullalim, The Epic of Love of the Maducayan”, na tumanggap ng P200,000; pangatlo ang Saint Louis’ University Senior High, sa titulong “Panghahakey ni Kafagway”, at tumanggap ng P150,000. Tumanggap naman ng tig-P50,000 ang tatlo pang kalahok: Remnant International College, Pinsao National High School, at Pines City National High School.

5

Nanguna sa elementary drum and lyre category ang Tuba Central School, na nag-uwi ng P300,000; kasunod ang Mabini Elementary School, P250,000;

Baguio Central School, P200,000; Manuel L. Quezon Elementary School, P170,000; Jose P. Laurel Elementary School, P150,000; Lucban Elementary School, P140,000; at Dontogan Elementary School, P140,000.

Sa cultural category, P170,000 ang pinaghati-hatian ng Arusan Chi Umi l i Cultural Group; pumangalawa ang Ayyoweng Di Lambak Cultural Group, na may P140,000; at pangatlo ang Gardeners Tribe Cultural Group, na nag-uwi ng P100,000. May consolation prize namang P50,000 ang bawat isa sa Cholibes Cultural Group at Umili Ay Kalalaychan Cultural Group.

-Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA