WALANG puwang sa PBA ang mga barumbadong players.

MITRA

MITRA

Ito ang nais na ipahiwatig ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra sa kanyang desisyon na ipatawag sa kanyang opisina sina PBA players JayR Reyes ng Columbian Dyip at Stanley Pringle at Moala Tautuaa ng NorthPort.

Unang itinakda ang pagpupulong sa Martes (Marso 6), ngunit humingi ng pagbabago sa petsa si Reyes bunsod nang paghahanda sa laro ng Djip.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginiit ni Mitra na nais ng ahensiya na masuri at malaman ang puno’t dulo ng kaguluhan bunsod na rin sa reklamo na isinampa ni Reyes laban sa dalawa sa opisina ng GAB.

Batay sa paunang ulat, nagkaroon ng pikunan sa pagitan ni Reyes at ng Northport players sa kainitan ng kanilang ensayo nitong Pebrero 19. Nabali at nagdugo ang ilong ni Reyes sa insidente.

“As licensed professional basketball players, you are governed by the supervisory powers of GAB under PD 871. Your conduct in relation to the operation of professional games is under the supervision of GAB which may suspend or revoke your license for cause,” pahayag ni Mitra sa kanyang sulat kina Reyes, Pringle at Tautuaa.

Sa hiwalay na imbestigasyon ng PBA, nagbaba ang liga ng suspensyon na isang laro kay Pringle, naging miyembro rin ng Gilas Pilipinas.

Iginiit naman ni Mitra na ang aksiyon ng GAB ay batay sa reklamo mismo ni Reyes.

-Edwin G. Rollon