NAG-TIE sa Best Actress award sa katatapos na 39th Fantasporto I n t e r n a t i o n a l Film Festival sa Portugal sina Ai Ai delas Alas at Ina Raymundo.

Ai Ai at Ina

Nanalo si Ai Ai p a r a s a role niya sa School Service, at si Ina para sa performance nito sa Kuya Wes, sa awards night nitong Sabado (Linggo ng u m a g a s a Pilipinas), sa Porto, Portugal.

Parehong hindi nakadalo sina Ai Ai at Ina sa awarding ceremonies ng film festival, na nagsimula nitong February 19 at natapos kahapon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Balak sana ni Ai Ai na dumalo sa nasabing film fest, para na rin isabay ang pagsisimba niya sa Fatima Basilica sa Fatima, Portugal, ang site ng Blessed Virgin Mary apparition noong May 1917. Kaya lang, hindi siya natuloy dahil sabay-sabay ang mga pelikulang ginagawa niya.

Dahil di t o , ang School Service director na si Louie Ignacio na lang ang nagpunta sa Fantasporto International Film Festival.

Worth it naman ang pagdalo ni Direk Louie dahil si Ai Ai nga ang nanalong Best Actress, at gaya ng dati, ang direktor din ang tumanggap ng acting award ng Comedy Queen.

D a h i l sa nangyari, lalong nakumbinsi si Ai Ai na mas malaki ang tsansa niya na manalo kapag hindi siya dumadalo sa mga international film festival. Ganito rin k a s i a n g scenario nang mapanalunan niya ang mga Best Actress trophy para sa indie movie na Area, noong 2017.

Marian devotee si Ai Ai kaya nagpapasalamat siya kay Virgin Mary at sa Panginoong Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap niya sa simula pa lang ng 2019.

Pinasalamatan din ni Ai Ai si Direk Louie, ang asawa niyang si Gerald Sibayan, at ang mga co-stars niya sa School Service.

Sa huli, ibinahagi rin ni Ai-Ai ang natanggap niyang parangal kay Ina, dahil, aniya, pareho sila na natatanging ina. Nakaka-proud din na parehong Pinoy ang naghati sa nasabing parangal sa isang international film festival.

-Ador V. Saluta