BIRTHDAY ni Maine Mendoza ngayong araw, Marso 3, at ipinagdiwang ito sa Eat Bulaga kahapon, kung saan nakahilera ang birthday cakes mula sa iba’t ibang supporters ng dalaga, sa pangunguna ng AlDub Nation. Nakakagulat namang may napasingit na “ArMaine” cake, na ang ibig sabihin ay mula iyon sa fans nina Maine at Arjo Atayde.

armaine

Buti na lang at hindi naharang ang nasabing cake. Ha, ha, ha!

Agaw-pansin ang nasabing cake dahil ito ang tallest, at may theme pa ito na ang bawat layer ay nagtatampok sa mga lugar na pinuntahan nina Arjo at Maine, gaya ng Tagaytay, La Union, Bali, Amanpulo, at New York.

Events

Lhar Santiago nagdiwang ng kaarawan pero netizens, kinabahan?

Caption ni @EyamCC147 sa litrato ng cake na ipinost niya: “I supported the cake of the ArMaine Lovers but the credit should be going to the ladies who did all the leg work. It was a suspense if this cake would be allowed inside or not. Thank you again ladies @mainedcm @ AtaydeArjo #MaineStillCuteAt24.”

Samantala, may sitsit ang fans ng ArMaine na may malaking sorpresa raw si Arjo ngayong araw para sa kanyang lady love. Hmm, ano kaya iyon?

Tinext namin si Arjo kung ano ang birthday wish niya kay Maine, pero hanggang sa matapos naming tipahin ang balitang ito ay hindi kami sinagot ng aktor.

Anyway, nagpapasalamat ang ArMaine fans dahil hindi hinarang ang cake nila sa Eat Bulaga, considering na sa longest-running noontime show isinilang ang AlDub love team nina Maine at Alden Richards.

Mula rito sa amin sa BALITA, happy birthday, Maine!

-REGGEE BONOAN