MAY magandang kuwento kung bakit pawang supportive kay Ogie Diaz ang mga actor na gaganap sa Love You Two, lalo na ang female lead star na si Yen Santos.

Ogie Diaz copy

Tinanong ko kasi si Yen kung pumayag ba siyang magbida sa unang venture ni Ogie sa movie production dahil sa magandang istorya o dahil sa mataas na talent fee?

Pareho raw, pero agad din siyang pumayag pagkabasa ng script dahil sa malaking utang na loob na tinatanaw niya kay Ogie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nagkasama kasi kami ni Yen sa Mutya,” kuwento ni Ogie, “eh, lahat ready nang umuwi at ang eksena na lang niya ang natitirang kinukunan. Pero hirap na hirap na ang direktor namin kasi hindi siya makaiyak.”

Inarbor ni Ogie ang pagpapaiyak kay Yen.

Hayun, tinalak-talakan niya.

“Sabi ko, kailan pa siya iiyak, eh, lahat gusto nang makauwi, pero walang makaalis,” patuloy ni Ogie. “Namamaos na ang batang paulit-ulit na kumakanta, ‘di na siya naawa. Kaya nakaiyak siya sa katatalak ko, at nakunan na sa wakas.”

“’Di naman ako sa talak naiyak,” kuwento naman ni Yen, “kasi mas natatawa pa nga ako. Una, ‘di naman live na kumakanta ang bata, paano mapapaos, eh, tape naman ‘yun. Mas napaiyak ako sa kahihiyan na ako na lang ang hinihintay kaya ‘di pa makauwi ang lahat.”

Masuwerte si Yen na si Ogie Diaz ang nandodoon. Dahil kung iba na mas brutal tumalak sa mga baguhan, baka na-trauma na siya at nagdesisyon na umiba na lang ng career.

Supportive kahit kailan sa newcomers si Ogie. Sa rami ng mga natulungan, marami ang tumatanaw ng utang na loob sa kanya.

Simula nang maging proofreader ng magazines ni ‘Nay Cristy Fermin, naging reporter, naging actor/comedian at talent manager, walang magkukuwento na pinabigat ni Ogie ang buhay nila. Halos lahat, heart-warming ang relasyon sa kanya.

Kaya naman inuulan ng blessings, ngayon producer na.

Pero sadyang supportive siya sa sinuman. Subukan ninyong tanungin ang street dwellers sa Morato area, tanging si Ogie lang ang matiyagang nakikipagkuwentuhan sa kanila, inaalam ang mga istorya ng buhay nila, at galanteng mag-abot ng pangtawid-gutom. May mga mangangalakal siyang binibigyan na puhunan.

Kaya hindi na kataka-taka kung tumanda na naging alamat na sa Morato area ang kaibigan kong ito.

Dapat lang maging

-DINDO M. BALARES