Dalawang taong makukulong ang isang mayor sa Antique dahil sa paglabag sa election gun ban noong 2016.

MAYOR) download (3)

Iniutos ng korte ma makulong ng dalawang taon si incumbent Bugasong, Antique Mayor John Lloyd Pacete dahil sa paglabag nito sa gun ban, noong May 2016 elections.

Sa desisyon ni Judge Mario Andres, Jr. ng Regional Trial Court Branch 64, bukod sa pagkakapiit ay pinagbawalan na rin nito si Pacete na magtrabaho sa pamahalaan at tinanggalan na rin ito ng karapatang bumoto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang kaso ay bunsod na rin ng pagkakasangkot ni Pacete sa isang insidente noong Abril 2016 kung saan bise-alkalde pa ito at kumakandidato sa pagkaalkalde ng nasabing bayan.

Sa pahayag naman ng abugado ni dating Bugasong police chief Juvy Cordero, na si Atty. Dine Pagunsan, iligal ang pagkuha ni Pacete sa baril na ginamit sa pamamaslang sa Barangay Tagudtod.

Kinuha umano ni Pacete ang cal. 45 pistol sa isang barangay chairman ngunit nang imbestigahan ito ng Bugasong Police ay todo-tanggi na ito.

Tara Yap