IBILANG ang PRUride PH— ang pinakamalaking cycling festival sa bansa na itinataguyod ng British life insurer Pru Life UK— sa torneo na mapagkukunan ng UCI points ng siklistang Pinoy.

KABILANG ang Philippine Army-Bicycology Shop sa matitikas na koponan na inaasahang lalahok at maghahangad ng UCI points sa ilalargang PRURide PH.

KABILANG ang Philippine Army-Bicycology Shop sa matitikas na koponan na inaasahang lalahok at maghahangad ng UCI points sa ilalargang PRURide PH.

Ipinahayag ng organizer na ipinagkaloob ng Union Cycliste Internationale (UCI), ang world’s governing body sa cycling, ang pagbibigay ng UCI 2.2 event sa torneo. Bunsod nito, may pagkakataong na ang mga local at foreign cyclists na makakuha ng kinakailangang UCI points para makalaro sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

Inihayag kamakailan ng UCI ang points system at pagbibigay ng awtomatikong slots sa Olympics para sa top 80 cyclists.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakda ang PRUride PH sa Mayo 24-26 Subic Harbor Point.

Inaasahan ang paglahok ng mga pro cyclists para sa individual, team at stage honors kung saan nakataya ang UCI points. Ang three-stage race ay tatahak sa Bataan hanggang sa bulubunduking bahagi ng makasaysayang Mt. Samat.

Ang mga pro athletes ay sasabak sa Masters Race, habang ang non-competitive ride ay ang Gran Fondo, na may pagpipiliang event na 30-, 60- at 100-kilometer race.

Isasagawa rin ng PRURide PH 2019 ang Virtual Race, gamit ang state-of-the-art technology na magbibigay ng high-speed track cycling virtual game.

Naghihintay rin para sa mga cycling enthusiast ang Criterium na gaganapin sa April 7 sa Filinvest, Alabang. Maaring sumabak sa iba’t ibang kategorya tula dng fixed gear, road bike, mountain bike, at folding bike races.

Kabilang sa makikibahagi sa programa sina PRURide PH ambassadors and celebrities Zoren Legaspi, Kim Atienza, at Gretchen Ho.

“PRURide PH 2019 supports our new brand campaign ‘We DO’, which focuses on health, wealth, and innovation. In addition to making this year’s PRURide PH a UCI-accredited event, we are also offering beginners-friendly and families-inclusive activities to provide an unparalleled experience for people from all walks of life. Through this cycling festival, we are reinforcing our commitment to inspiring and promoting healthy and active lifestyles across the country,” pahayag ni Allan Tumbaga, Senior Vice President and Chief Customer Marketing Officer.