MULING nakabalik sa World stage ang Team Philippines Gilas. At sisiguraduhin ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na maihahanda ng husto ang koponan para sa pinakamalaking torneo na lalahukan ng basketbolistang Pinoy sa kasalukuyan.

MVP: International stint sa Gilas.

MVP: International stint sa Gilas.

Nakatakda ang FIBA World Cup sa Agosto 31 sa China.

Ayon kay National coach Yeng Guiao, suportado ni SBP honorary chairman Manny V. Pangilinan ang programa ng Gilas na sumabak sa ilang international tournament, kabilang ang Jones Cup bilang bahagi ng pagsasanay ng Gilas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“So far, pinag-aaralan pa ng PBA ang schedule. Sa ngayon, wala pang schedule ang Jones Cup, pero usually July ‘yan,” sambit ni Guiao kahapon sa isinagawang media briefing ng SBP sa Meralco office sa Pasig City.

“Kailangan magsama-sama ng mas matagal ang team at lumaban ng ibang tournaments para masanay ng todo,” aniya.

Iginiit ni Guiao na mas maagang isasalang sa pagsasanay ang Gilas taliwas sa naging programa sa FIBA World Cup qualifiers.

Sa kasalukuyan, wala pang pinal na desisyon kung sino ang magiging miyembro ng Team Philippines sa World Cup, ngunit kung si Guiao ang masusunod, nais niyang manatili ang buong miyembro para sa malaking laban.

“Personally, kung ngayon mo ako tatanungin, siyempre gusto ko,” aniya.