PINABULAANAN ni four-division world champion at kasalukuyang WBO super flyweight champion Donnie Nietes na natatakot siya sa rematch kay mandatory at No. 1 challenger Aston Palicte kaya umiiwas harapin ang kababayan niya Negros Occidental.

“Sa dami ko nang experience, ngayon pa ako matatakot?” sabi ni Nietes sa Philboxing.com. “Mas gusto ko lang ng mas malaking laban tulad ng unification bout kay Srisaket (Sor Ruvingsai) na WBC champion.”

Nilinaw din ito ng promoter ni Nietes na si ALA Promotions big boss Michael Aldeguer sa paputok sa social media ng Roy Jones Jr. Promotions na natatakot sila sa rematch.

“We never said we won’t be fighting Palicte,” ani Aldeguer. “What we said is Nietes is looking for bigger fights and still weighing options, including fighting Palicte.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Idiniin din ni Aldeguer na simula ng unang linggo ng Pebrero ay nakipag-ugnayan na sila sa promoter ni Palicte pero hindi sila nagkasundo kaya iniutos ng WBO sa dalawang kampo na sumailalim sa purse bidding bukas sa pinakamababang alok na $100,000.

May rekord si Nietes na 42-1-5 na may 23 pagwawagi sa knockouts samantalang si Palicte ay may kartadang 25-2-1 na may 21 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña