FOLLOW-UP ito sa nasulat namin kahapon na nagalit ang netizens sa senatorial candidate na si Bong Go nang gawin niyang biro ang naging relasyon nina Kris Aquino at Phillip Salvador noon.

Kris at Philip

Ayon kay Kris, nasa Japan pa lang siya ay nakita na niya ang video at nag-reach out siya kay Go. Ipinost ni Kris ang video sa Instagram nitong Martes ng gabi, at agad na umabot sa 4,845 ang komento na pawang nagagalit kay Bong.

Nakarating o nabasa na marahil ng lahat ng kumakandidatong senador ang mga negatibong komento sa kanya kaya humingi siya ng dispensa kay Kris, habang nangangampanya siya sa San Andres, Manila nitong Miyerkules.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

“Ma’am Kris Aquino, paumanhin po. Kung may nasaktan, nagpapatawa lang kami. Hindi na namin gagamitin ang joke na ‘yun. Kami ni Ipe, alam ko sawang-sawa kayo sa pulitika. Gusto lang namin kayo pasayahin,” sabi ni Bong.

Kung susuriin ang pahayag ni Go na “hindi na namin gagamitin ang joke na ‘yun”, may pahiwatig na scripted ang nasabing biruan. Nakakaloka naman, gawin bang biro sa maraming tao na “naloko” ni Philip si Kris? Hindi ba naisip ng kumakandidatong senador na dapat ay iginagalang ang mga babae, wala bang anak na babae at kapatid si Bong Go? Hindi ba’t babae naman ang nanay at asawa niya?

Samantala, mismong si Davao City Mayor Sara Duterte—pinuno ng partidong Hugpong ng Pagbabago na nag-eendorso sa kandidatura ni Bong—na hindi na magbibiro ang huli sa mga susunod nitong kampanya.

“I’m sure, ngayon nagsabi na ‘yung object ng kanilang skit that she (Kris) is offended. I’m sure they will listen because they are the kind of people who are aware kung ano ang kailangan nilang gawin. I’m sure they will stop,” sinabi ni Mayor Sara sa mga reporter na dumalo sa kampanya ng partido sa San Juan City.

Kinagabihan ng Miyerkules din ay nag- Facebook at IG Live si Kris. Ayon sa social media influencer, ginamit ang nakaraan niya sa kampanya at ang video ay in-upload at napanood niya nang buo noong mismong kaarawan niya sa Japan, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby at KCAP staff.

Base sa ipinakitang video sa live feed ni Kris, ipinakilala ni Go si Ipe at sinabing adopted father ito ng Davao City dahil nag-iwan doon ng apat na anak ang dating aktor. At kasama pa raw sa “naloko” si Kris Aquino, ayon kay Bong.

Pero itinanggi ito ng aktor. Sabi ni Phillip: “Birthday niya ngayon,” tinukoy si Kris. “Birthday niya ngayon at saka hindi ko siya niloko kahit kailan. Minahal ko siya!”

Obviously, scripted nga ang biruan nila at ginamit ni Bong si Ipe para sa kampanya niya, at idinamay si Kris.

Inamin ni Kris sa live feed na nitong Martes ng gabi, bandang 11:34 pm, ay tumawag sa kanya ang dating Special Assistant to the President para humingi ng paumanhin at tumagal ang pag-uusap nila ng 23 minuto.

“Magkaibigan po kami, hindi ko na kailangang idetalye sa inyo kung ano ang pinag-usapan namin kasi ang totoo, a lot of it hindi ko maalala kasi iyak ako nang iyak do’n sa phone call na ‘yun.

“I admire him because he was man enough to call me. Alam naman ng lahat, ‘di ba, in our country right now he’s considered probably the second most powerful man, hindi niya kailangang gawin iyon.

“Alam ko mayroong mga magbabatikos sa akin for saying na why am I acknowledging the apology. But you also have to understand, naiintindihan ko na hindi niya kailangang gawin iyon and if only for that I’m not saying it erases the scene. Hindi ko sinasabi na nakakalimutan ko na ‘yung sakit. Pero ang sinasabi ko humanga ako dahil nagpakalalaki siya at tumawag siya.

“I’ve learned about this ongoing skit while I was in Japan and Viber messages to prove to you na on February 17 nagpadala ako ng message sa kanya (Bong). I actually offered this and I can quote it, I can give you surprise appearance ng pagkatapos ng line na ‘niloko si Kris Aquino’ sinabi ko, handa akong umakyat sa entablado at sabihing sigurado ako na si Bong Go, hindi tayo lolokohin.

“You will ask me bakit ko ginawa ‘yun dahil alam ko na habang pinagtatawanan ka, you have to in to the joke, it’s better na nandoon ka at alam mo na you’re in to the joke, part of the joke rather than being the joke.

“But you also know what I’ve been going through, I don’t need to detail that it’s been painful and honestly, I was proud of myself I did not cry on Friday,” kuwento ni Kris.

Friday nang mabasa ni Kris at ng kampo niya sa online website na dismissed ang isinampa niyang 44 counts of qualified theft laban kay Nicko Falcis sa Makati City.

“I did not even cry nu’ng Tuesday (sa balitang na-dismiss naman ang kaso sa Pasig City court) because I had sons who had to see na ‘yung nanay nila hindi susuko. And ang hoping mechanism was decluttering.

“Nabasa ko na everything in your life seems to be out of control, maglilinis ka ng mga kaya mong linisin, na lang. Nakalagay kasi do’n na declutter your gadgets so napanood muli ‘yung video and it really hurts.

“The hurt there comes from being made a joke of and I am not blaming Bong Go. This is on you, Phillip Salvador,” diretsong sabi ni Kris habang nakatingin sa camera.

“Tatay ka ni Josh. Ang mali ko kasi is I let you go off easily, pinuri pa kita kasi kinompare pa kita sa tatay ni Bimb. Dahil ang sinabi ko, ‘buti ka pa hindi mo kami ginulo.’ Ang hindi ko nabanggit sa mga tao, 16 years kang walang inabot kahit piso kay Josh but obviously sasabihin ng mga tao, ‘hindi mo naman kailangan, Kris, mayaman ka.’ And that’s true! May kaya ako, may nanay ako, may mga kapatid ako, kumikita ako.

“Pero sana naisip mo that line, ‘niloko mo si Kris Aquino’. What does make of your son, produkto siya ng panloloko? It was very hurtful kasi sinabihan ako ng mom, eh, ‘Don’t you realize kay Phillip Salvador na you’re only a trophy?’”

Nagbalik-tanaw si Kris kung paano sila nagkaroon ng relasyon ni Phillip, at kung paano ito nauwi sa pagsasama nila sa iisang bubong.

“Uunahan ko na kayong lahat. I was 23 years old when the relationship started. How many times did I hear, ‘nakaisa si Ipe, siya ang nakauna kay Kris’. Yes totoo ‘yun! I was a virgin and I got pregnant and I left my family, I chose him and I turned the blind eye, I turned the blind eye to the gambling, I turned a blind eye to the nights na hindi ma-explain kung bakit hindi umuuwi (gayong) alam kong tapos na ‘yung shooting. Sampal din sa mukha ko ‘yung dinetalye ni Rosanna Roces ‘yung affair nila habang kami pa ang mag-asawa. But again, that’s my fault.

“Sumama ako sa isang lalaki na hindi pa annulled. If I’m just part of skit or part of a joke or part of a way to entertain people, what kind of country is this?” mahinahong pahayag ng mama nina Josh at Bimby.

“This can’t be something political, I’m not using this and I told that to Bong Go, I said, ‘you cheated me kindly when you didn’t have to, so I want to end this now’.

“Gusto ko lang sabihin na sana naisip lang ninyo na in the midst of your campaign, there is 23-year old boy who is special, who is autistic, who watches you—and I’m directing this message to Phillip Salvador!

“The last time you saw him was 2012, sa dressing room ng ABS-CBN. ‘Yang batang ‘yan, hindi nakakakita ng masama sa mundo. Proud siya, eh. Nilapit ka niya kay Bimb at ipinakilala ka niya, sinabi niya kay Bimb, ‘this is my papa.’ Tapos gagawin ninyong biro? Gagawin ninyong punchline na naloko si Kris Aquino?

“Nanahimik ako for so long because I thought you were a good man. I equated goodness kasi hindi mo nga kami ginulo, pero mali, eh. Mali na kinalimutan mo na nga si Josh that’s not a big deal because I’ve done a good job in raising him! Pero mali na ginagawa mong biro ang anak ko.

“I do not deserve that! Actually, I deserved that, I made a mistake of falling for you! I made a mistake of loving you, you did not love me! Because had you loved me, 23 years after hindi ako magiging biro sa isang skit, sa bawat entabladong inaakyat mo! Pero sana man lang, ‘yung bata na minahal ka, ‘yung batang 7 years ka nang hindi ka nakikita pero nakikita ko sa cell phone at sa iPad niya na naka-search ka, pinapanood ka. Sana man lang siya naisip mo dahil kadugo mo siya, eh.

“Who cares about Kris Aquino, ‘yun ang totoo! You don’t have to care about me, but you should care about Joshua because the child never hurt you up to this day, the child says, mahal ka niya,” sabi ni Kris.

Humingi ng dispensa si Kris sa mga nanood ng live feed niya dahil isinulat niya ang mga mga gusto niyang sabihin.

“I just want to end this by saying, this is nothing political. To Bong Go, you did actually more than what Phillip Salvador did, you were man enough to give me a call, tinawagan mo. ‘Yung tatay ng anak ko, hindi siya gumawa ng paraan para hanapin man lang. Madali, eh. ‘Yung kaibigan mo na kaibigan ko na rin, SAP Bong, alam niya kung saan kami nakatira, eh.

“Hindi mahirap na pinuntahan sana ni Phillip Salvador si Josh at niyakap lang sana. Lahat kaya ko, eh, at lahat kinakaya ko. But for this instance kinakailangang magsalita ako.

“That child will always be a child. Kung makita ka niya, hindi ‘yan manunumbat sa ‘yo, yayakapin ka niya. He actually asked me, alam niya kasi kung anong ibig sabihin ng naloko, tinanong niya ako, ‘mama niloko ka? Galit ba tayo? Galit ba tayo kay Dada?’ (tawag ni Josh sa tatay niya). And I said, ‘Josh pray na lang tayo maaayos din ‘to’,” paliwanag ni Kris.

Sa huli, nasabi ni Kris na lahat sana ng mga babaeng iniwan ng kanilang karelasyon ay makabangon at magkaroon ng magandang trabaho para hindi mapabayaan ang mga anak nila.

“Bong, you hurt me, but that’s part of life. In time sinabi ko sa ’yo I will stop grieving but I hope you understand masakit pa rin kasi ginawa ninyong biro ang buhay ko. Ang pinakamasakit, ginawa ninyong biro ang buhay ng anak ko.

“I hope you all learned from this because I’ve learned. I chose the wrong man to love and my son is now paying for that and the only thing I can say is life moves forward and the only thing I can do is try my best to be the best possible mother for this child because he did not deserve to be made a joke of.”

Bukas po ang pahinang ito para kina Phillip Salvador at ex-SAP Bong Go.

-REGGEE BONOAN