GINAWANG comedy bar ni SAP Bong Go, na kumakandidatong senador sa May 2019 elections, ang pagkampanya niya sa hindi binanggit na lugar dahil ginawa niyang running joke ang naging relasyon nina Kris Aquino at Philip Salvador.
Base sa kuwento ni SAP Bong Go ay madalas nilang kasama si Philip dahil kaibigan nila ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang joke ni SAP Bong Go, “Si Ipe (Phillip Salvador) adopted father of Davao City po siya kasi po nag-iwan siya ng apat na anak sa Davao.”
Maririnig sa video na umalma ang aktor pero pagtutuloy ng kanang kamay ni Pangulong Duterte, “totoo naman eh, naloko mo nga si Kris Aquino.”
Bagama’t bentang-benta sa mga dumalo ang pagbibirong ito ni SAP Bong Go ay hindi naman niya nakuha ang simpatiya ng karamihan at isa na kami roon. Hindi dahil kilala at nakakausap namin si Kris, kundi bilang isang botante dahil ito ba ang klase ng senador na iboboto namin sa darating na eleksyon na hindi pa man ay nagagawa nang paglaruan ang pagkatao ng isang tao? E, paano pa kaya kung nakaupo na siya, baka mas malala na?
Hindi lang kami ang nakaramdam ng ganito dahil halos lahat pala ay nagalit sa ginawa ni SAP Bong Go.
Base sa mga nabasa naming komento nang i-post ni Kris sa kanyang IG ang video na ito ng kumakandidatong senador, ay marami rin ang ‘di nagustuhan ang biro.
Ayon kay @emmiemvp, “Bad campaign! This should spread as a lesson for men like him who makes ladies a laughing stocks no matter how good he is. If he’s here in North America that will be called for, for him to stop his campaign! Disgraceful! Love you @krisaquino.”
Sabi naman ni @iamsting26, “kapag basura nasa isip basura din ang lalabas sa bibig kaya for sure basura lang din ang dadalhin sa senado haist.”
Naka-relate naman bilang single mom din si @chellejoyc, “PANLOLOKO” IS NOT A JOKE, lalo na kung may batang involved! I’m not a fan of anyone, pero single mom din ako na NALOKO ng tatay ng anak ko. Parang pati ako, pakiramdam ko pinagtatawanan nila. Big NO for this one.”
Hindi rin ito nagustuhan ni @maniwantiwan, “This guy doesn’t deserve a Senate seat. Gosh we need better Senators.”
Samanatala, hindi na makukuha ni SAP Bong Go ang boto ni @wangwangwuwulimlim, “puwedeng ibang joke ‘wag ng magbanggit ng pangalan, hindi ito ‘yung joke na nakakatawa kaya wala ka sa listahan ko! Sorry!”
Insecure naman si Bong Go base sa tingin ni @rowena8635, “not so gentlemanlike comment using and namedropping Kris in any political speech means insecurity.”
At ang sapantaha naman ni @bryansiace, “baka naman si Bong Go ang nagpapapansin at si Ms. @krisaquino ang ginamit n’ya para mapansin na sa akala n’ya ay ikakadagdag ng boto n’ya kung gagawin n’yang katatawanan ang past ni Ms Kris?”
May mga nabasa rin kaming kampi kay SAP Bong Go na hayaan na lang daw dahil lilipas din at makakalimutan ng tao ang mga birong iyon, pero mas marami ang pumuna sa kanya.
Hindi naman nakapagpigil si Kris sa birong ito ni SAP Bong Go lalo’t may laban siyang kinakaharap ngayon sa korte.
Malumanay ang pagkakasabi ni Kris sa post niya.
“So much hurt deeply in the past few days. I was shown this video while in Japan (bandila) and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko panindigan mo na good sport ka I was doing a #konmari on my phone & lumabas ‘yung video pinanuod ko ulit.
“’Yun ang pagkakamali ko, may black eye nu’ng Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punch line ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga “naloko” ako.
“Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. I have only had good words for you pero sana sa paglilingkod n’yo para sa mga Pilipino bilang senador (I know you are a SURE WINNER), sana priority n’yo rin po ang mga kababaihan.
“Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?“Sorry ha minalas nandu’n kasi ‘yung “NALOKO” nakadapa na po, nu’ng pinanuod ulit at narinig ‘yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.”
-REGGEE BONOAN