GINAMIT ulit ni Kim Kardashian ang kanyang influence para makatulong sa publiko.
[gallery columns="2" ids="329743,329744"]
Nitong Miyerkules, ipinost ng Keeping Up With the Kardashians star ang screen grab mula sa isang user sa Facebook na nagbigay ng babala sa mga magulang tungkol kay “Momo.”
“Parents please be aware and very cautious of what your child watches on YouTube and KIDS YOUTUBE,” nakasaad sa screenshot. “There is a thing called ‘Momo’ that’s instructing kids to kill themselves, turn on stoves while everyone is [sleeping] and even threatening to tell their parents.”
“It doesn’t come on instantly so it’s almost as if it waits for you to leave the room then it comes [on mid show],” nakasaad pa rito. “It’s been on Peppa Pig, LOL DOLL, those surprise eggs, and a few others.”
Ibinahagi ng 38 taong gulang na reality star ang mensahe kasama ang note ng paghingi niya ng tulong sa YouTube tungkol sa umano’y issue: “@youtube Please help!!!!”
Nag-post din si Kim ng disturbing image ng karakter, na sinasabing si “Momo”, na umano’y bigla na lang lumalabas sa YouTube videos.
Sinagot naman kaagad ng YouTube ang nasabing post ni Kim.
“@kimkardashian thank you. We take these reports really seriously. We’re on it — swipe up for more info.”
Nag-post din si Kim ng kanyang sagot: “Thank you!!!”
Ayon sa Entertainment Tonight, sa attached document, ipinaliwanag ng YouTube ang mariin nitong pagtutol sa mga bayolenteng video na umaatake sa mga bata sa pamamagitan ng kanilang platform, at ipinahayag din nitong may kamakailang ebidensiya ng “Momo Challenge.”
“Videos encouraging harmful and dangerous challenges are clearly against our policies, the Momo challenge included,” lahad dito. “Despite reports of this challenge surfacing, we haven’t had any recent links flagged or shared with us from YouTube that violate our Community Guidelines.”