Ang daan pabalik sa tagumpay ng Filipina warrior na si Jomary "The Zamboanginian Fighter" Torres ay magsisimula sa paniniwala at tiwala sa sarili at iyan ang eksaktong gusto ng kanyang trainer na si Rene Catalan.

Tatapusin ni Torres ang sunod-sunod niyang pagkatalo sa darating niyang laban kay Lin Heqin ng China sa ONE: REIGN OF VALOR na gaganapin sa Thuwanna Indoor Stadium, Yangon, Myanmar sa Biyernes, Marso 8.

Para kay Catalan, ang pinakaimportanteng bagay kay Torres  ay ang matuklasan niya ulit ang pagnanais at kagustuhan niya na manguna sa division.

“I want to see that hunger for a victory, I want to see more aggressiveness from her,” sabi niya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Jomary will go toe-to-toe with her, whether the bout hits the ground or stays on the feet.”

Nagsimula si Torres sa tatlong sunod-sunod na panalo ngunit bumagsak matapos makaharap si Mei “V.V” Yamaguchi sa isang back-to-back match at si Priscilla Hertati Lumbaon Gaol noong 2018.

Pero tulad ng kanyang trainer, ngapakita ng lakas ng loob si Torres na kaya niyang magbalik sa itaas dahil sa mga naging karanasan niya sa mga nakaraan niyang laban.

"I have a great career ahead of me. The setbacks in the past will only make me a better competitor moving forward," sabi niya.

"I know Lin Henqin is a great athlete, and I can’t wait to share the cage with her and prove that I belong there.”

Ngayon ay nakatuon si Catalan sa paghahanda kay Torres sa pisikal na aspeto laban sa kanyang Chinese na kalaban na kilala sa nakakabilib nitong knockout power.

“We’re going all out with her preparation, trying to  get her in the best condition possible,” bahagi ni Catalan.

“We want to improve on everything, be it boxing, kicks, wrestling or jiu-jitsu.