MABIBILANG na lang sa daliri ang mga pelikulang Pilipino na kumikita sa takilya. Maging sa nakaraang Metro Manila Film Festival noong Disyembre ay ilan lang sa walong entries ang talagang tumabo sa takilya.

Bong copy

Isa sa nakikitang dahilan ng dating senador na si Bong Revilla ay ang mataas na presyo ng tiket o admission prices. Hindi raw ito affordable para sa ordinaryong mamamayan, lalo pa ang mahigpit ang kumpetisyong hatid ng online streaming services.

Dahil dito, gustong kausapin ni Bong ang mga producers at theater owners para bumalik ang sigla sa industriya ng local movies.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

“Mahigpit ang kumpetisyon dulot ng telebisyon. I personally feel na kailangang gumawa na ng hakbang para mahikayat ang mga tao na manood ng sine.

“Maaaring umalma ang mga may-ari ng sinehan at sabihing lahat ng bagay ngayon ay nagsisitaas. Mas gugustuhin ba nilang makitang maraming bakanteng upuan ang loob ng sinerhan dahil walang gaanong pumapasok o tumatangkilik sa pelikula?”

Mahal ni Bong Revilla ang industriya ng pelikulang Pilipino, na minana pa niya sa kanyang ama, ang dati ring senador na si Ramon Revilla, Sr., kaya naman hindi niya hahayaang tuluyang mamatay ang industriyang napakalapit sa kanyang puso.

Sana ay pakinggan ng mga concerned parties ang panukala ni Bong.

-REMY UMEREZ