SUMALO ang Adamson University sa liderato sa Far Eastern University matapos makopo ang ikatlong sunod na panalo kahapon sa UAAP Seas 81 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Winalis ng Falcons ang nakatunggaling University of the East Red Warriors 25-19, 25-19, 25-23 upang sumalo sa Tamaraws sa pamumuno sa men’s division.

Muling pinamunuan ng power hitter na si Paolo Pablico ang naturang panalo sa ipinoste nitong 15 puntos.Sinundan sya ni Leo Miranda na nagdagdag ng 11 puntos.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod naman ng Red Warriors matapos magwagi sa una nilang laro na nagtabla sa kanila sa Ateneo Blue Eagles.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Naging malaking bentahe sa Falcons ang 28 puntos na regalo sa kanila ng Red Warriors mula sa errors, mas mataas ng sampu sa itinala nilang 18 errors.

Nag-iisang tumapos na may double digit para sa UE si Lloyd Josafat sa ipinoste nyang 13 puntos.

-Marivic Awitan