Ipinagigiba ng Boracay Inter-agency Task Force (BIATF) ang 10 na establisimyento sa isla ng Boracay dahil sa pag-o-operate nang walang permit.

(BORACAY) download (1)

Ikinatwiran ng BIATF, lumabag sa ipinaiiral na coastal easement law ang mga ipinadi-demolish na establisimyentong kinabibilangan ng Steve’s Cliff/Boracay Terraces Resort, Willy’s Rock Resort, Boracay Plaza Resort, Little Prairie Inn, Watercolors Diveshop, Blue Lilly Hotel, Exclusive Dawn VIP Boracay Resort, True Home, at New Wave Divers, pawang nasa Station 1 ng isla, at Calveston International Incorporated na nakatayo naman sa Station 2.

Binanggit ng BIATF na batay sa umiiral na batas, aabot lamang sa 30 metro ang ipinatutupad na coastal easement sa lugar habang ang anim na metro naman ang ipinatutupad sa road easement mula sa gitna ng kalsada.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ilalim ng batas, ang mga mapapatunayang lumabas sa easement law ay sususpendihin ang operasyon habang hinihintay ang pagtanggal sa kanilang illegal na establisimyento.

Nauna nang inamin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na marami pa ring establisimyento sa isla ang nagsimula nang mag-operate sa kabila ng kawalan ng permit ng mga ito sa BIATF.

-Ellalyn De Vera-Ruiz